Pagpatay sa brodkaster sa Albay, kinundena ni Bishop Baylon

Pagpatay sa brodkaster sa Albay, kinundena ni Bishop Baylon

July 22, 2018 @ 4:11 PM 5 years ago


 

 

Manila, Philippines – Kinondena ni Legazpi Bishop Joel Baylon ang naganap na pagpatay sa broadcaster na si Joey Llana kamakailan.

Sa isang pahayag, nagpaabot rin naman ng pakikiramay ang Obispo sa pamilyang naulila ng broadcaster.

Nananalangin rin si Baylon para sa agarang pagresolba sa krimen upang mabigyan ng hustisya ang biktima at maibalik ang kapayapaan sa bansa.

“I wish to extend my sincerest condolences to the bereaved family of Joey Llana, even as we condemn his murder,” ayon kay Baylon. “Together, with all peace-loving Albayanos, I pray that this crime will be solved the soonest, the perpetrators be brought to justice and that peace will reign in our land.”

Matatandaang si Llana ay pinatay ng mga ‘di kilalang lalaki habang paalis ng kanyang tahanan sa Daraga, Albay upang pumasok sana sa trabaho sa dwZR radio station sa Legazpi City, dakong 5:00 ng umaga noong Biyernes.

Naniniwala naman si Baylon na sa kabila nang kamatayan ni Llana ay hindi pa rin masisikil ang boses ng katotohanan. Macs Borja