Pagpatay sa election officer sa Sultan Kudarat, iniimbestigahan na ng CHR

Pagpatay sa election officer sa Sultan Kudarat, iniimbestigahan na ng CHR

February 22, 2023 @ 6:25 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Iniimbestigahan ng Commission on Human Rights (CHR) ang nangyaring pagpatay kay municipal election officer Haviv Maindan noong Pebrero 13 sa Sultan Kudarat.

Matatandaan na nauna nang kinondena ng Commission on Elections (Comelec) ang pagpatay at sinabing makikipagtulungan sa Philippine National Police (PNP) sa pag-iimbestiga sa kaso.

“The [CHR] has conducted a Quick Response Operation following the killing of municipal election officer Haviv Maindan in an ambush,” ayon sa komisyon.

Nangako naman ang CHR na makikipagtulungan din ito sa iba pang ahensya ng pamahalaan “ to prevent similar incidents from happening again.”

“We stress that no one should be arbitrarily deprived of life without just cause and due process of the law. This act of violence also causes immense harm and fear to the victim’s family and their communities,” ayon sa CHR. RNT/JGC