Pagpatay sa estudyante sa Davao City iniimbestigahan ng CHR

Pagpatay sa estudyante sa Davao City iniimbestigahan ng CHR

July 10, 2022 @ 12:45 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Isang malaking katanungan para sa Commission on Human Rights (CHR) ang  sinasabing diumano’y  pagdadala ng  baril ng  isang non-uniformed-personnel ng Police Regional Office (PRO) sa Davao City  sa loob ng isang bar para mag-inuman kasama ang mga kaibigan.

Dahil dito, nagdesisyon ang CHR na magsagawa ng sariling imbestigasyon sa pagkamatay  ng isang estudyante matapos masangkot sa rambulan sa isang bar sa Davao City alas-12:50 ng madaling araw, Hulyo 2, 2022 sa J. Camus extension sa Barangay 9-A.

Kinilala ng San Pedro Police Station 2 ang biktima na si Amir Pulanon Mangacop, 21-anyos at residente ng Bacaca Barangay 19-B.

Base sa imbestigasyon ng San Pedro Police Station 2, nagrambol sa lugar ang dalawang grupo ng mga lalaki na pawang mga nakainom.

Sinita sila ng pulis na dumating sa lugar, pero hindi nagpapigil ang mga ito, ang grupo ng biktima ay binugbog ang isang lalaki sa grupong kanilang nakaaway.

Dahil dito, bigla bumunot ng baril ang lalaking binugbog at binaril ang biktima sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Agad naaresto ang suspek.

Dinala ang biktima sa ospital pero idineklara itong dead on arrival ng doktor.

Ang suspek ay isang non-uniformed personnel doctor ng Police Regional Office XI at nasa kustodiya na ng San Pedro Police Station 2.

Nakumpiska mula sa kanya ang isang registered .9mm Glock 43 na may isang magazine, at narekober sa crime scene ang 9 na mga basyo ng bala.

Subalit sinabi ng CHR  pinasinungalingan ng pamilya  Mangacop  ang naging pahayag ni Pepino ukol sa shooting incident.

Ayon sa CHR, tumawag ang pinsan ni Mangacop at nakiusap na sunduin siya sa bar.

Dumating ang nasabing estudyante at ang kanyang kasama sa gitna na ng gulo. Hindi nakainom o high sa drugs ang mga ito.

Ang CHR,  sa kalatas na ipinalabas ni  Executive Director Jacqueline Ann de Guia,  ay nagsabi na:

“We recognize the ongoing investigation being conducted by the San Pedro Police and the Philippine National Police Davao Region. Similarly, we note the request of the family of Mangacop for the National Bureau of Investigation to handle the case instead for fear of alleged ‘suppression and whitewash’ by the local and regional police.

“CHR’s independent investigation seeks to help establish the truth amid competing narratives from both sides. One point of inquiry is as to why a non-uniformed personnel is carrying a firearm outside the residence, particularly while drinking in a bar.

“The goal is to be able to hold the perpetrator to account, achieve justice for the death of the male student, and possibly trigger a review of the guidelines on firearm use and regulation in the country.

“As our independent investigation moves, we shall hold on to the commitment of PRO Davao for ‘a thorough, fair, and unbiased investigation,’ coupled with an assurance that appropriate criminal charges will be pursued.

“We expect this commitment to be matched with fast action, including necessary cooperation with CHR’s investigation, to ensure justice and accountability for assault against human life.” Kris Jose