Pagpatay sa ex-vice mayor, asawa, drayber sa Aurora, kinondena ng CHR

Pagpatay sa ex-vice mayor, asawa, drayber sa Aurora, kinondena ng CHR

October 7, 2022 @ 1:38 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Mariing kinondena ng Commission on Human Rights (CHR) ang pagpaslang sa dating vice Mayor ng Dipaculao, Aurora na si Narciso Amansec noong Oktubre 3.

Maliban sa dating vice mayor, napatay rin sa ambush ang asawa nito na si Merlina at drayber niya na si Leonard Talosa.

“This incident is an outright violation of the right to life,” pahayag ng CHR.

Nagtamo si Amansec na dating board member rin ng ikalawang distrito ng Aurora, ay tinambangan sa Barangay Dibutunan at nagtamo ng tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan dahilan ng kamatayan nito.

Ipinag-utos na ng CHR ang pagpapadala ng Quick Response Operation team upang magsagawa ng hiwalay na imbestigasyon sa insidente at mabigyan ng hustisya ang mga biktima.

Matatandaan na nagkasa rin ng imbestigasyon ang Dipaculao police para rito.

Umaasa naman ang CHR na mahuhuli agad ang mga suspek sa likod ng pagpatay.

“In a society that respects human rights and dignity, killings and other transgressions against human life have no place,” anang CHR.

“Let us continue to resist normalizing violence and start inculcating once again a culture that puts primacy to human life and rights,” dagdag pa.

Nagpaabot rin ng pakikiramay sa pamilya at kaibigan ng dating bise-alkalde, asawa nito at drayber, ang CHR. RNT/JGC