Pagpatay sa human rights lawyer sa Iloilo, kinondena sa Senado

Pagpatay sa human rights lawyer sa Iloilo, kinondena sa Senado

March 5, 2021 @ 3:50 PM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Mariing kinondena ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang tangkang pagpaslang kay human right lawyer Angelo Karlo “AK” Guillen, isa sa nagpetisyon laban sa Anti-Terror Act at abogado ng indigenous people na na-red tagged ng militar.

Sa pahayag, sinabi ni Drilon, dating justice secretary na kapag hindi na kayang gawin ng mga abogado ang kanilang tungkulin nang malaya at walang kinatatakutan, doon magsisimula ang paghina ng ating rule of law.

“I condemn in the strongest terms the assassination attempt on lawyer Angelo Karlo “AK” Guillen. The attempt on the life of Guillen sends a chilling effect on members of the legal profession – lawyers, judges and justices,” ayon kay Drilon.

Kamakailan, dalawang suspek sakay ng motorsiklo ang umatake kay Guillen matapos itong bumaba sa kanyang kotse patungo sa inuupahang apartment sa Barangay Villa Anita dakong 9:30 ng gabi sa Iloilo City. Kinuha ng ‘di nakikilalang suspek ang kanyang bag na naglalaman ng laptop at ibang mga file.

Bukod sa robbery, sinusuri ng pulisya ang iba pang anggulo na may kinalaman sa kanyang propesyon. Ligtas  na sa panganib ang biktima, ayon  sa mga doktor.

 “We should not let this horrific attack on members of the legal profession continue. Guillen’s case should not just add to the strings of unresolved cases of killing of and assassination attempts on lawyers in the country. I urge the authorities to bring those responsible to justice.”

Sinabi ni Drilon na nakapanghihina ang pinakahuling pagtatangkang pagpatay kay Guillen sa harap ng isyu ng red-tagging.

“Guillen, a human rights lawyer, has been “red-tagged.” His case lays the basis for the need for a stronger policy against red-tagging. Congress should provide sufficient remedies to protect the victims of red-tagging activities,” punto pa ng senador.

Sa isang report, sinabi ni  Rene Estocapio, National Union of Peoples’ Lawyers vice president for Visayas, na inatake si Guillen dakong 9:15 ng gabi ng dalawang suspek na nakasuot ng ski mask. Sinaksak ang biktima sa ulo at leeg habang papasok ito sa kanyang boarding house sa naturang lugar. Ernie Reyes


  •  
  •  
  •