PAGPATAY SA LA UNION SOLON, HUMAN RIGHTS VIOLATION

PAGPATAY SA LA UNION SOLON, HUMAN RIGHTS VIOLATION

April 29, 2022 @ 5:28 PM 2 months ago


SA inilabas na resolusyon ng Commission on Human Rights sa pagpatay kay dating La Union Representative Eufranio “Franny” C. Eriguel at tatlo pa niyang kasama sa kasagsagan ng karahasang pampolitika noong 2018, ang krimen ay patunay na Human Rights Violation na nangyayari sa La Union province.

Ang pagpaslang kay Eriguel noong May 2018 ang sinasabing nagsilbing panimula ng mga karahasan o “well-planned political killings” sa naturang probinsiya. Isang assassination squad na binubuo ng mga scalawag na pulis at militar ang inuupahan upang ipatumba ang mga incumbent official na kaalyado ni La Union Governor Francisco “Pacoy” Ortega III.

Batay nga sa CHR resolutions na may petsang February 15, 2022 at may lagda ni Regional Human Rights Director Atty. Harold O. Kub-Aron, isinaad ng CHR -Region 1 na human rights violation (Arbitrary Deprivation of Life) ang pagpatay kay Eriguel sa isang political rally noong May 12, 2018 bago ang barangay elections.

Lumalabas sa pagsisiyasat ng CHR, si Dr. Franny ay pinaslang habang nasa “meeting de avance” sa plaza ng Brgy. Capas, Agoo, La Union, dakong alas-7:00 ng gabi. Ang security aides niya na sina Bobby Ordinario at Mac Ruel Tubera ay malubhang nasugatan at ang kasama nilang body guard na si Patrick Manabat ay namatay sa ospital noong May 16, 2018.

“The circumstances of this case, and the pieces of evidence gathered show that the victim was killed in a treacherous manner. The unidentified gunmen who suddenly arrived at the venue of the ‚Äėmiting de abanse‚Äô, went near the victim, Dr. Franny, and then shot him several times,” ayon sa resolusyon.

“We rule that there is substantial evidence to support the finding of a human rights violation, particularly the arbitrary deprivation of the lives of Dr. Franny, his aides and the innocent people who attended the miting de abanse,” nakasaad pa.

Isinangkot ng isang testigo ang nagngangalang Felizardo Villanueva, alyas “Rambo”, dating barangay chairman sa Capas, Agoo na kalauna’y iniugnay rin ito sa Magpali-gun-fore hire group na ginamit ng Tubao-based politician para ipatumba ang mga La Union politician na na kaalyado ni Gov. Ortega.

Ang pagpatay kay Eriguel ay naging panimula ng sunod-sunod na high profile political killings sa lalawigan. Pinaslang din si Sudipen Mayor Alexander Buquing kasama ang kaniyang security escort noong October at si Balaoan vice mayor Alfred Concepcion noong November.

Ang anak ni Concepcion na si Mayor Aleli ay sugatan din sa naturang insidente. Ang mga patayang ito ay nananatiling UNSOLVED hanggang sa ngayon.

Tatlong taon matapos mapaslang si Franny Eriguel, panibagong pagtatangka kay Rep. Sandra Eriguel at 2 pang alkalde sa kanilang probinsiya ang nangyari, kasunod niyon ay ang pagkakaaresto sa ilang miyembro ng notoryosong Magpali assassination squad na inuupahan ng mga pulitiko sa probinsiya

“The killings were not only a violation of Franny Eriguel‚Äôs right to life, but also an affront to the political will of the people of La Union,” pagpupunto ng Crusaders For Peace.

Hanggang ngayon kasi, patuloy ang mga karahasan para takutin ang mga kaalyado at tagasuporta ni Gov. Ortega.