Pagpatay sa mga lokal na opisiyal, hindi magiging dahilan ng Martial Law- Sotto

Pagpatay sa mga lokal na opisiyal, hindi magiging dahilan ng Martial Law- Sotto

July 10, 2018 @ 8:38 AM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Naniniwala si  Senate President Tito Sotto na ang kamakailang pagpatay sa mga lokal na opisyal ng bansa ay hindi magiging dahilan ng pagtatalaga ng Martial Law sa Pilipinas.

“I don’t think so. The atmosphere does not call for it. ‘Di naman bago ‘yung maraming away sa local eh. Matagal na ‘yan even during and after martial law before ganun talaga mainit ang local politics sa atin. Di ko nga maintindihan bakit,” sabi ng senador.

Kabilang sa mga local na opisyal na pinatay ay sina Tanauan City Mayor Antonio Halili ng Batangas, General Tinio Mayor Ferdinand Bote ng Nueva Ecija at si Trece Martires Vice Mayor Alexander Lubigan ng Cavite kung saan lahat sila ay binaril ng hindi pa nakikilalang mga suspek sa mga pampublikong lugar sa nakalipas lamang na pitong araw.

Dinipensahan naman ni Sotto ang pangulo sa pambabatikos sa kaniya.

“Hirap naman lahat na lang pag may nangyari doon tayo nakaturo sa lider. Let’s take it at face value,” sabi pa ng senador.

Gayunpaman, nirerespeto naman ng pangulo ng senado ang mga opinyon ng mga tao tungkol sa sunod-sunod na insidente ng pagpatay.

“Well, we cannot help but have people think that s’yempre may kaniya kaniyang pananaw sa pangyayari. Kahit nung una pa lang we don’t have any personal opinion about the matter,” sabi ng senador. (Remate News Team)