Pagpatay sa mga politiko, sosolusyunan ng DILG

Pagpatay sa mga politiko, sosolusyunan ng DILG

February 28, 2023 @ 2:48 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Sinisilip ng Department of the Interior and Local Government ang mas malaking budget para sa karagdagang police recruits at mas mahigpit na batas sa pagbili ng sasakyan para labanan ang high profile slay attempts sa mga politiko.

Batay sa ulat, nakipagpulong si Speaker Martin Romualdez called kina DILG Secretary Benhur Abalos at PNP chief Gen. Rodolfo Azurin Jr. kasunod ng pananambang kay Lanao del Sur Governor Mamintal Alonto Adiong Jr. kung saan nagtamo siya ng tama ng bala noong Pebrero 17.

Dalawang araw makalipas ang insidente, napatay naman si Aparri, Cagayan Vice Mayor Rommel Alameda at lima pa sa pag-atake sa kanila Bagabag, Nueva Vizcaya.

Isa pang lokal na opisyal, si Mayor Ohto Montawal, ang nasugatan sa ambush noong Pebrero 22. 

Sinabi ni Abalos sa panayam na nirerebisa na ng PNP ang umiiral na threat assessments para sa mga lokal na opisyal sa buong bansa.

“Nirerebisa nila lahat ng mga politikong may pananakot para makatulong ang kapulisan dito at ma-preempt ang mga bagay na ito,” pahayag niya.

“The good old police work, kasama na po dyan ang intelligence work ay kumpleto tungkol po rito,” dagdag ni Abalos.

Inilahad din ng opisyal na binalasa nila ang ilang pulis sa mga lugar kung saan mas kinakailangan ang kanilang tactical skills.

Ani Abalos, isinusulong ng DILG ang mas malaking budget para sa dagdag na police recruits.

“Alam niyo, taon-taon 10,000 ang new recruits natin sa kapulisyahan. For the last 2 years, siguro because of the pandemic, 1,000 lamang ang mga bagong reruits at nai-budgetan po. Sinabi ni Speaker, kausap si (Budget Secretary Amenah Pangandaman), ibabalik po nila yung dami ng mga pulis every year na mga recruits.”

Hiniling din ni Abalos sa mga mambabatas na magkasa ng mas mahigpit na panukala sa pagbili ng sasakyan.

“Kasi kung titingnan po ninyo, yung mga kotseng ginagamit, kung minsan ay talagang mga unregistered, or if not talagang mahirapan imbestigahan dahil salin-salin ang paglipat,” aniya.

“Eto naman ay nangako naman si Speaker na magkakaroon naman daw po ng batas… na kung pagbili mo, maaaring dapat i-register mo na agad,” patuloy ni Abalos.

Aniya pa, paiigtingin nila ang kampanya kontra loose firerams. RNT/SA