Pagpatay sa NegOr gov, 8 pa kinondena ng Senado

Pagpatay sa NegOr gov, 8 pa kinondena ng Senado

March 7, 2023 @ 1:52 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Pinagtibay ng Senate ang dalawang resolusyon nitong Lunes na nagpapahayag ng simpatiya at pakikiramay sa pagpaslang kay Negros Oriental Governor Roel Degamo kabilang ang walo pang indibiduwal saka kinondena ang serye ng political killings sa bansa.

Pumabor ang lahat ng miyembro ng Senado at naging co-author sa pagtitibay sa Senate Resolutions No. (SRN) 520 (Adopted Resolution No. 47) at 517 (Adopted Resolution No. 48), na kapwa inisponsor ni Senate President Juan Miguel “Migz” F. Zubiri.

“The tragic death of Governor Degamo is a great loss not only to his bereaved family but to the province of Negros Oriental as well, and the Senate of the Philippines joins Negros Oriental in mourning the death of its patriarch,” ayon sa SRN 520.

Kasabay nito, personal na kinondena din ni Senador Cynthia Villar ang pagpaslang kay Degamo dahil kapwa sila miyembro ng Nacionalista Party na pinamumunuan ni dating Senate President Manny B. Villar.

“I rise to co-sponsor, with a heavy heart, Proposed Senate Resolution No. 520, taking into consideration the Proposed Senate Resolution No 521 I filed, expressing the Senate’s profound sympathy and condolences on the untimely demise of Governor Roel Ragal Degamo of Negros Oriental,” ayon kay Villar.

Sinabi ni Villar na kasama siya sa buong bansa sa pagkondena sa mabangis na pag-atake ng armadong killer habang dumadalo si Governor Degamo sa pangangailangan ng nasasakupan sa kanyang tahanan sa Pamplona, Negros Oriental.

Bukod kay Degamo, napatay din ang walo pang indibiduwal na nandoon sa lugar ng pinangyarihan ng krimen na pawang tauhan at miyembro ng tanggapan ng opisyal.

“Their death is senseless and despicable, to say the least, and has no place in a civilized and democratic society,” ayon kay Villar.

Sa kanyang sponsorship speech, inilarawan ni Zubiri si Degamo bilang “hardworking civil servant” na nag-iwan ng legasiya ng paglilingkod, disiplina at pagpapakumbaba sa kanyang political career.

“The fact that he spent his last moments on earth opening his home and attending to his constituents is telling of the kind of man he was. A truly committed public servant,” ayon sa Senate President.

“We are taking this time to honor Gov. Degamo, who has exemplified kindness, generosity, competence, diligence, hard work, patriotism, and bravery while in public service,” ayon din kay Villar.

Pinatay si Degamo, 56 anyos, ng mababangis na hired killer na armadong ng matataas na kalibre ng baril sa loob mismo ng kanyang compound noong Marso 4. Namamahagi si Degamo ng tulong pinansiyal sa mga benepisaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) nang paslangin siya kasama ang walong iba pang indibiduwal.

“To the families and constituents of Gov. Degamo and others, whose families are victims of these senseless killings, we are one with you in demanding justice,” giit naman ni Senate Majority Leader Joel Villanueva.

Naghandog din ng sariling pakikiramay sina Senador Pia Cayetano, Ronald “Bato” M. Dela Rosa, Christopher Lawrence T. Go, Win Gatchalian, Raffy Tulfo, Risa Hontiveros, at Jinggoy Ejercito Estrada sa nagdadalamhating pamilya ni Degamo sa kanyang magkakahiwalay na manipestasyon sa pagtalakay ng naturang resolusyon.

Kasabay nito, nanawagan naman ni Villar sa lahat ng law enforcement agencies ng pamahalaan na kumilos kaagad at pabilisin ang imbestigasyon upang makatotohan ang matukoy at madakip ang sinumang nagsagawa at nagpagawa ng pagpatay.

Pinatutugis din ni Villar ang lahat ng sangkot kabilang ang mastermind sa pagpaslang kay Degamo upang papanagutin sa lahat ng karahasan na kanilang ginawa sa inosenteng biktima.

“We call on our law enforcement agencies to act with dispatch and fast track the investigation to truthfully identify and catch not just the perpetrators who brutally shot the victims, but also the mastermind/s who instigated the attack on the Governor so that all of them may be held accountable for the atrocity they have committed and so that they may no longer be allowed to do other acts of violence unto others,” ayon kay Villar.

“As we join the collective call that truthful justice be served on the death of Gov. Degamo and of the 8 other people who died with him, we are taking this time to honor Gov. Degamo, who has exemplified kindness, generosity, competence, diligence, hard work, patriotism and bravery while in public service,” giit pa ng stalwart ng Nacionalista Party.

Sa kabilang dako, kinondena din ng Senado sa pamamagitan ng SRN 517, ang patuloy na pagtaas ng bilang ng political killings at pag-aambus sa halal at itinalagang opisyal ng pamahalaan.

Tinukoy ng resolusyon na bukod kay Degamo, mayroon pang tatlong local execuives ang nasugatan o napatay sa ambush sa nakalipas na 15 araw – mula February 17 hanggang March 3.

“Injustice and violence do not have a place in any civilized society, and no cause justifies brutalities against the lives of all persons,” ayon kay SRN 517.

“The Senate of the Philippines, in the strongest sense, urges the Philippine National Police and other law enforcement agencies to exert all efforts to bring the perpetrators to justice not only for the sake of all victims and their families but also to ensure that the rule of law is upheld at all times for an orderly and peaceful society,” dagdag ng resolusyon. Ernie Reyes