Pagpatay sa poet-activist sa Negros kinondena ng iba’t ibang grupo

Pagpatay sa poet-activist sa Negros kinondena ng iba’t ibang grupo

December 4, 2022 @ 11:16 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Kinondena ng iba’t ibang grupo ng mga manunulat at iba pang human rights advocates ang pagpatay sa poet-activist na si Ericson Acosta kasabay ng military operation sa Negros Occidental.

Sa statement, sinabi ng Manila Critics Circle – grupo ng mga literary critics at newspaper columnists – na mahigpit nilang kinokondena ang brutal na pagpatay kay Acosta.

“We condemn such act of military violence with impunity that assumes the disguise of authority and justice in resolving perceived socio-political conflicts in our land,” ayon sa grupo.

“We decry the use of terror to silence the intellectuals of this sad republic,” dagdag pa nito.

Si Acosta ay nanalo ng National Book Award noong 2015 sa kanyang poetry collection na “Mula Tarima Hanggang at iba pang mga Tula at Awit.”

Nitong Biyernes naman, Disyembre 2 ay nanawagan ang PEN Philippines ng patas at agarang imbestigasyon sa pagkamatay ni Acosta.

Matatandaan na nauna nang iniulat ng Philippine Army na may dalawang hindi nakikilalang katawan ang natagpuan matapos ang bakbakan ng mga sundalo at communist rebels sa Kabankalan noong Nobyembre 30.

Kalaunan ay kinilala ng Negros chapter ng National Democratic Front (NDF) na ang nasawi ay si Acosta, isang NDF consultant, at kasamahan nito na isang organizer.

Sinabi rin ng NDF-Negros na ang dalawa ay nahuling buhay ng mga militar pero ilang oras lamang ang nakalilipas ay idineklara na itong patay sa isang engkwentro.

Nitong Sabado naman, Disyembre 3 ay sinabi ni AFP spokesperson Col. Medel Aguilar na ang pagiging NDF consultant ni Acosta ay hindi nangangahulugan na wala na itong banta sa kaligtasan.

Si Acosta ay Deputy Secretary ng Regional Committee of the CPP (Communist Party of the Philippines) sa Negros ayon kay Aguilar.

Nakulong din umano ito mula 2011 hanggang 2013 dahil sa illegal possession of explosives.

“If found that the reports of the extrajudicial killing of Acosta and his companion by the military are true, the AFP must be taken to task for this abomination, which is part and parcel of a militaristic, ‘take-no-prisoners’ approach to the long running armed conflict with the CPP-NPA,” tugon naman ng mga advocates mula sa Pilgrims of Peace. RNT/JGC