Pagpatay sa politiko ‘wag ibunton sa gobyerno

Pagpatay sa politiko ‘wag ibunton sa gobyerno

July 10, 2018 @ 6:37 AM 5 years ago


 

Ang mga karahasang naganap tulad ng pama­maril kay Tanauan City, Batangas Mayor Antonio Halili at kay General Ti­nio, Nueva Ecija Mayor Ferdinand Bote ay huwag sanang ibintang agad sa gobyerno o kahit kanino.

Sa halip, hintayin po natin ang ginagawang pagsisiyasat ng mga ki­nauukulang ahensiya.

Kung nakasama man sa listahan ng mga narco-politician ang napaslang na si Mayor Halili ay hindi dapat ibunton ang sisi agad sa kampanya laban sa droga sapagkat posib­leng ang mga na­sagasa­an niya sa kanyang shame campaign at  mga Kalaban sa po­litika ang nasa likod ng pamamaril.

Naalala ko noong araw ang gobernador noon ay pinasabugan ang sasakyan sa kapitolyo mismo.

Parang pelikula ang diskarte gaya na lang ng ginawang pag-snipe sa alkalde.

Only in the movies.

Si Halili ay nakilala ng sambayanan dahil sa sistema niyang ipinapa­rada sa publiko ang mga naaarestong, drug user, usher, user, rapist, hol­daper at kung ano-ano pang mga krimeng kinasangkutan, kung saan ang mga suspek ay may karatula sa kanilang ka­tawan na nakasaad na huwag gaga­yahin.

Sa gayong pamamalakad ng nasabing alkalde ay marami ang nagalit sa kanya at maging ang Commission on Human Rights (CHR) ay binatikos ang kanyang pa­mamaraan at siyempre pa ang higit na nangga­laite sa kanya ay ang mga crime syndicate at drug syndicate na tina­maan ng kampanya.

Nagkaroon man ng kampanya ang ating Pa­ngulo sa pagsugpo ng kriminalidad at illegal drugs ay posibleng samantalahin naman ito ng mga sindikatong nakabangga ng nasawing si Mayor Halili.

Hindi po ba?

Pero kailangang hintayin pa rin natin ang resulta ng isinasagawang imbestigasyon sa kaso.

Huwag po natin isentro rito ang ating mga pananaw at sa halip ay mayroon tayong mga ahensiya na nagsasagawa ng mga pagsisiyasat para maresolba ang sinapit na pamamaslang kay Mayor Halili.

Ganundin sa sinapit ng isa sa aking mga kababayan sa Nueva Ecija na si Mayor Bote na ti­nambangan at pinagbabaril sa gawi ng Caba­natuan City at nilinaw naman ng mga kinauukulan na itong si Mayor Bote ay wala sa narco-politician lists kundi ito ay masigasig pa nga na tagasuporta ni Pres. Duterte.

Sa halip na batikusin ng mga kontra-Duterte at akusahan na kagaga­wan ito ng administras­yon para makumbinsi ang kaisipan ng sambayanan tungo sa pag-aalsa, e, mas mainam po na makipagtulungan na lamang tayo para maresolba ang mga karahasan.

Tumulong po tayo na makumbinsi ang sino­mang mga nakasaksi o may nalalaman sa mga pangyayari at nakakilala sa mga salarin na laba­nan ang takot sa para­ang maging testigo para sa ikareresolba ng kaso.

Ika nga, dapat po na­ting makumbinsi ang ma­mamayan na tumestigo laban sa mga kriminal.

Ang mga kriminal ang dapat na matakot at hindi tayong mga law abiding citizen ang matakot!

-DALA KO EGCO