Pagpatay sa radio commentator sa S. Kudarat iimbestigahan ng PNP

Pagpatay sa radio commentator sa S. Kudarat iimbestigahan ng PNP

January 15, 2022 @ 9:04 AM 7 months ago


Manila, Philippines – Paiimbestigahan ni Philippine National Police Chief Police General Dionardo Carlos ang pagpatay sa radio commentator na tatakbong konsehal sa Sultan Kudarat.

Sinabi ni Carlos na inatasan na niya ang Police Regional Office 12 na i-mobilize ang police tracker teams upang paigtingin ang operasyon laban sa mga suspek sa pamamaril kay Jaynard Angeles.

 “This happened several days after the start of the election period. We will determine if this has something to do with his intention to run in politics,” ani Carlos.

Dagdag pa nito, posibleng may kinalaman ito sa trabaho dahil binansagan siya ng kanyang mga tagapakinig na ‘hard-hitting commentator.’

“There might be some witnesses as well since this transpired in broad daylight,” dagdag pa nito. RNT/FGDC