Pagpatay sa radioman na tatakbong konsehal, kinondena ng PTFoMS

Pagpatay sa radioman na tatakbong konsehal, kinondena ng PTFoMS

January 13, 2022 @ 9:36 AM 7 months ago


MANILA, Philippines – Mariing kinondena ng Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) ang pagpatay sa dating radio commentator na tumatakbong konsehal sa Tacurong City, Sultan Kudarat.

Si Jaynard Angeles, dating station manager ng Radyo ni Juan ay nasawi matapos na pagbabarilin ng motorcycle “riding-in-tandem” gunmen kahapon, Enero 12.

“The government condemns in the strongest possible terms the killing of Jaynard Angeles, a candidate in the local election and former station manager of Radyo ni Juan. We will never tolerate any act of violence against any person,” ayon kay Undersecretary Jose Joel Sy Egco, executive director of PTFoMS, sa isang kalatas.

“We condole with the family, loved ones, and colleagues of Mr. Angeles. The PTFoMS is now in close coordination with the Philippine National Police (PNP) in conducting intensive police operations to pursue his assailants and bring the perpetrators before the bar of justice,” dagdag pa rito.

Sa ulat, knilala ng Police Regional Office 12 ang biktima na si Jaynard Angeles, na pinagbabaril sa Barangay Carmen sa Tacurong City nitong Miyerkules.

Ayon kay PRO12 PIO chief Police Lieutenant Colonel Joyce Birrey, nangyari ang pamamaril kay Angeles dakong 10 a.m.

Base sa ulat, nagtamo ng tama ng bala sa ulo si Angeles. Tatlong putok umano ang nadinig ng mga tao sa lugar na malapit sa car wash station.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya upang matukoy ang pagkakakilanlan ng salarin at motibo sa krimen

“Even if Mr. Angeles is a former media practitioner, the Task Force will not stop until the masterminds and their cohorts are caught, charged, and convicted for this heinous crime. There is no justification for murder, whatever Angeles may have been involved with in the past,” ayon kay Egco.

Nangyari ang insidente matapos na bigyang direktiba ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang PNP na magtalaga ng Media Security Focal Persons sa bawat lalawigan at lungsod sa buong bansa dahil na rin sa naging kahilingan o request ng PTFoMS, tinukoy ang mataas na insidente ng karahasan laban sa mga mamamahayag, “before, during, and after” ng eleksyon.

“We took the initiative to request for high ranking PNP officers as focal persons because we could foresee what will be necessary for the future in terms of safety and security for members of the 4th Estate as mandated by President Rodrigo Duterte in his Administrative Order No. 1 (AO1),” aniya pa rin. Kris Jose