Pagpatay sa sekretarya, kinondena ng PCSO

Pagpatay sa sekretarya, kinondena ng PCSO

July 31, 2020 @ 2:40 PM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Kinondena ng Philippine Charity Sweepstakes Office ang pamamaril kahapon sa kanilang board secretary at driver sa Mandaluyong City.

Una rito, habang sakay ng kulay puti na Mitsubishi Strada na may plakang SKR-923 si Atty. Wesley Barayuga, ay pinagbabaril ng hindi pa matukoy na salarin na sakay ng motorsiklo ang biktima sa Calbayog St., ng Barangay Highway Hills.

Sa ulat, kaagad na binawian ng buhay ang dating heneral ng Philippine National Police habang naisugod pa sa Victor Potenciano sa Medical Center ang kanyang driver na si Jojo Gunao na tinamaan din ng bala.

“The incident is currently under investigation. The Security Office of PCSO is closely coordinating with the Philippine National Police in Mandaluyong City to immediately identify the persons behind the attack so that justice will be served,” pahayag ni PCSO GM Royina Garma.

“With sadness, PCSO extends it’s deepest condolences to the bereaved family of Atty. Wesley A. Barayuga, our colleague, friend and family,” dagdag na pahayag ng opisyal sa media.

Samantala, sinabi ni Mandaluyong Chief of Police, P/Col. Hector Grijaldo na hawak na nila ang CCTV footage at inaalam na ang pagkakilanlan ng mga suspek.

Sinabi rin ni Col. Grijaldo na isang retiradong Heneral ng PNP ang biktima ay dating nakatalaga sa Region-6, kanila rin tinitingnan na anggulo kung personal o may kinalaman sa kanyang trabaho.

“Posibleng personal at ‘yung work related na motibo kasi ang ating biktima ay isang board secretary ng PCSO. May mga kontrata o posibleng mga nag-o-operate po ng gambling operations na hindi napagbigyan o ‘yung posibleng siya pong dahilan kaya nangyari po ‘yung insidente,” wika nito. Toto Nabaja


  •  
  •  
  •  

Loading...