Pagpayag sa F2F visitation sa PDLs tututukan ng DOH

Pagpayag sa F2F visitation sa PDLs tututukan ng DOH

December 7, 2021 @ 5:38 PM 10 months ago


Manila, Philippines – Tututukan na ng Department of Health (DOH) ang pagpayag sa face-to-face visitations sa persons deprived of liberty.

Sa Laging Handa briefing, sinabi ni Secretary Francisco Duque III na makikipag-ugnayan ang DOH sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).

“Tignan natin kung ano ba ang mga health protocols nila. Siyempre lahat naman ‘yan may mga health protocols yan na tinulong ng DOH buuin, ano? TIgnan natin ‘yung kanilang datos,” punto ni Duque.

“Tignan natin kung ano ba ang pagluluwang ng restrictions na puwede gawin.”

Sa ulat, nasa 94.81% ng PDLs na ang bakunado laban sa COVID-19. RNT/FGDC