Babala ng Malakanyang sa sugar hoarders: mas maraming pagsalakay ikakasa!

August 19, 2022 @6:58 AM
Views:
1
MANILA, Philippines – Ipinabatid ng Malakanyang na mas marami pang pag-inspeksyon ang gagawin ng mga awtoridad sa mga bodega na nag-iimbak o nagtatago ng mga smuggled sugar.
Ito’y dahil na rin sa “visitorial powers” na mayroon ang mga custom agents.
Sa katunayan, sinampolan ng mga Ito ang bodega sa Pampanga para i-check ang mga bodega kung “may be hoarding or keeping smuggled sugar.”
Isa pang inspeksyon ang isinagawa sa bodega sa Bulacan, ayon kay Cruz-Angeles sabay sabing bahagi Ito ng direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
“This is a series of raids. Yes po we can confirm that there is another warehouse in the vicinity of Bulacan, di ko pa po ma-confirm kasi di ako sure kung tapos na ‘yung pag-inspect ng BOC. But we can confirm that there is another one today and possibly more in the coming days,” ayon kay Cruz-Angeles.
Napaulat na dalawang bodega sa San Jose del Monte Bulacan na pag-aari ng Chinese-Filipino sugar trader ang magkahiwalay na sinalakay ng ahente ng Bureau of Customs (BoC), Miyerkules ng gabi at tanghali ng araw Ng Huwebes bilang bahagi ng kampanya ng pamahalaan laban sa pinaghihinalaang sugar hoarders.
Bilang tugon sa naging kautusan ni Executive Secretary Atty. Victor Rodriguez, sinalakay ng Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) sa pamumuno ni officer-in-charge Joeffrey Tacio at Enforcement and Security Service (ESS) ng BoC, ang bodega sa kahabaan ng Kaypian Road, Brgy. Kaypian sa San Jose del Monte, Bulacan.
Armado at bitbit ang Letter of Authority na nilagdaan ni BoC Commissioner Yogi Filemon Ruiz, natuklasan ng mga operatiba ng CIIS-ESS na may 25,000 hanggang 30,000 sako ng iba’t ibang klase ng asukal ang maayos na nakasalansan sa bodega na pag-aari ng isang Victor Chua, nagsabing ang kanyang sugar stock ay “locally purchased.”
Nakatanggap si Chua ng kopya ng LOA na nagkaloob ng visitorial power sa BoC para inspeksyunin ang bodega at pasilidad ng pinaghihinalaang pinag-iimbakan ng smuggled goods o nakagawa ng ibang paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act (CMTA).
Sinabi ni Tacio na ang CIIS ay kasalukuyang nagsasagawa ng inventory ng nasabat na asukal at binigyan ang warehouse owners ng 15 araw para makapag-presenta ng mahahalagang dokumento at iba pang ebidensiya kung bakit hindi dapat humarap sa prosekusyon at kung bakit ang mga nasabat na asukal ay hindi dapat mapunta sa gobyerno.
Sa kabilang dako , isa pang bodega na pag-aari pa rin ni Chua sa San Jose del Monte, Bulacan ang binisita ng Bureau of Customs at Department of Agriculture, tanghali ng araw ng Huwebes.
Kasama ni DA Asst. Secretary Federico Laciste Jr. si provincial Criminal Investigation and Detection Group at ang local unit ng Philippine National Police San pangunguna ni San Jose Del Monte chief of police Lt. Col. Cris Cordero.
Ang floor area ng Chua-owned warehouse ay nasa pagitan ng 2,000 at 3,000 square meters na tinatayang may 42,733 sako ng asukal na na katumbas na 2,150 metric tons na nagkakahalaga ng P215 milyong piso, ayon sa pagtataya ni Atty. Aguinaldo of BoC.
Ang joint BoC-DA raid ay base sa impormasyon na ang bodega na pag-aari ni Chua ay nag-imbak ng hoarded sugar na naglalayong makakuha ng malaking kita mula sa kasalukuyang mataas na presyo ng asukal sa merkado.
Nauna rito, sa Pampanga, sinalakay ng mga ahente ng BoC agents mula CIIS at ESS na naka-base sa Port of Clark ang bodega sa Lison Building kung saan makikita ang New Public Market na matatagpuan sa Barangay Del Pilar.
Katulong ng mga BoC agents ang mga barangay officials at local unit PNP unit.
Ang pagsalakay ay alinsunod sa naging kautusan ni Executive Secretary, “acting on a directive from President Ferdinand Bongbong” Marcos Jr., for the BOC to exercise its visitorial powers to all customs bonded warehouse and to check on the inventory of imported agricultural products with the aim of finding out if there is hoarding of sugar.”
Iniimbestigahan naman ng BoC ang reports na ang bodega sa Pampanga ay matagal ng taguan ng smuggling sugar mula Thailand, nire-repack at binebenta bilang “local sugar.”
Ang modus ay makikita sa lumang sako ng Thailand sugar na natuklasan ng BoC agents sa lugar subalit hindi maayos na na-disposed.
Sa inisyal na report na nakarating sa BOC, sinasabing ang sako ng asukal ay “appeared old and dusty, evidenced of its prolonged storage/hoarding (presumably) to dictate the market prices of sugar.” Kris Jose
Namumuong bagyo binabantayan ng PAGASA; Luzon uulanin

August 19, 2022 @6:45 AM
Views:
6
MANILA, Philippines – Isang Low Pressure Area (LPA) ang namataan ng PAGASA sa 1,325 kilometro silangan ng Central Luzon habang patuloy na nakakaapekto ang habagat sa kanlurang bahagi ng hilagang at gitnang Luzon.
Ang Pangasinan, Zambales, at Bataan ay magkakaroon ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog dulot ng habagat na may posibleng pagbaha o pagguho ng lupa dahil sa katamtaman hanggang sa kung minsan ay malakas na pag-ulan.
Ang Metro Manila at ang nalalabing bahagi ng bansa ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog dahil sa habagat at mga localized thunderstorm na may posibleng pagbaha o pagguho ng lupa sa panahon ng matinding pagkulog.
Sumikat ang araw bandang 5:43 a.m., at lulubog ito mamayang 6:17 p.m. RNT
Suspek sa pagpatay sa dalagitang siklista sa Bulacan, kinilala ng pulisya

August 18, 2022 @7:15 PM
Views:
129
Bulacan- Tukoy na ng mga awtoridad ang suspek sa natagpuang dalagitang siklistang may mga sugat sa braso, leeg at wala nang buhay sa madamong lugar ng Bypass Road, Brgy. Bonga Menor, Bustos noong umaga ng Agosto, 12.
Kinilala ng pulisya na si Gaspar Maneja Jr, alyas Jose Francisco Santos ang pangunahing suspek sa pagpatay kay Princess Marie Dumantay, 15, Grade 9 student at residente ng Grace Ville, Tower Ville, San Jose Del Monte (SJDM).
Sa patuloy na follow up operation ng Bustos police katuwang ang Quezon City police ay sinasabing isang alyas Jose Francisco Santos ang huling nakitang kasama ng biktima.
Natunton nila ang sasakyang ginamit ni alyas Jose Francisco Santos na Toyota Wigo na may plakang EAE 2913 na nakarehistro sa pangalang Jomer Maneja.
Nang matunton ng mga awtoridad si Jomer ay sinabi nitong simula Agosto 2021 ay wala na sa kanya ang sasakyan, base na rin sa ipinakita niyang mga dokumentong notaryado.
Aniya, dahil hindi na kayang tustusan ang monthly amortization o hulog ng hinuhulugang sasakyan ay ipinasalo niya ito sa nakakatandang kapatid na si Gaspar alyas Jose Francisco Santos.
Dahil dito, nitong Agosto 17, tuluyan nang kinasuhan ng amang si Rolando Dumantay, 62, kabilang ang tatlong witness ang pangunahing suspek na si Gaspar alyas Jose Francisco Santos sa kasong rape with Homicide at paglabag sa PD No. 38 (Using Fictitious name and Concealing True Name) sa Office of the Provincial Prosecutor office, Malolos City.
Sinasabing ang suspek ay may standing warrant of arrest sa dalawang kasong may kaugnayan sa child abuse na may itinakdang piyansa at rape na walang inirekomendang piyansa na inisyu ni Presiding Judge Ma. Cristina Geronimo Juanson ng Family Court, Third Judicial Region Branch 5, SJDM noong Abril 12, 2021. Dick Mirasol III
Pag-usog ng BSKE idudulog sa SC

August 18, 2022 @7:03 PM
Views:
93
MANILA, Philippines – Dudulog sa Supreme Court ang kilalang election lawyer bunsod ng pinagtibay na desisyun ng Kamara na ipagpaliban ang Barangay at SK Elections (BSKE).
Iginiit ni Atty Romulo Macalintal na walang kapangyarihan ang kongreso na magpaliban ng halalan na kanilang itinakda.
Ang trabaho aniya ng Kongreso ay magtakda lamang kung gaano katagal ang panunungkulan ng mga barangay officials sa isang halalan.
Malinaw aniya na hanggang tatlong termino lamang dapat ang mga barangay at SK officials.
Iginiit ni Macalintal na salig sa batas,maari lamang ipagpaliban ang eleksyon kung karahasan, intimidation at pagkasira ng mga dokumento.”
Una nang inaprubahan sa committee level ang pagpapaliban ng BSKE itong December 5 at sa halip ay gawin ito sa susunod na taon. Teresa Tavarez
Galvez: Electoral code sa BARMM aayusin bago mag-2023

August 18, 2022 @6:50 PM
Views:
71