Pagpayag sa paggamit ng Ivermectin sa ospital, political move – Garin

Pagpayag sa paggamit ng Ivermectin sa ospital, political move – Garin

April 8, 2021 @ 7:12 PM 1 week ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Binatikos ni Iloilo Representative Janette Garin ang Food and Drug Administration dahil sa pagpayag nito sa isang ospital na magkaroon ng “compassionate use” sa anti-parasitic drug na Ivermectin.

Aniya, isa itong political decision at hindi pang-medikal.

“This should not have a place in an institution who is primarily responsible for safety and efficacy of drugs and vaccines prior to allowing Filipinos to access such,” lahad ni Garin.

“Issuing a compassionate use permit for just one hospital but saying it cannot be distributed and used for COVID-19 treatment in general seems to be more of a political accommodation than a medical decision.”

“Therefore, you give it to dying patients where risks of an experimental drug are outweighed by current situation of the patient. Kumbaga, no choice na. Last resort,” dagdag ni Garin.

Batay sa mambabatas, ang ganitong desisyon ay dapat palaging suportado ng siyensya

“We are dealing with public health. Anti-parasitic drug na gamot sa hayop ginawang anti-viral na gamot sa tao? Parang nilang sinabing pareho lang ang langgam sa daga. Pinareho nila ang galising aso o pusa sa mga may COVID-19,” punto pa ni Garin.

“Viral illnesses are self-limiting. Kusang gumagaling ang karamihan [Many recover] unless complications set in because of existing comorbidities. Huwag naman linlangin ang taong bayan. Huwag abusuhin at gawing kapital ang takot na nararamdaman ng mga kababayan natin dahil sa COVID-19.” RNT/FGDC


  •  
  •  
  •