‘Pagpigil’ ng China coast guard sa BRP Andres Bonifacio sa Panatag Shoal, bineberipika na ng AFP

‘Pagpigil’ ng China coast guard sa BRP Andres Bonifacio sa Panatag Shoal, bineberipika na ng AFP

January 5, 2023 @ 6:36 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Bineberipika na ng Armed Forces of the Philippines’ Western Command ang ulat report na pinigilan ng Chinese coast guard vessel ang Philippine Navy vessel na makapunta sa Panatag Shoal, na kilala rin bilanh Scarborough Shoal, noong Disyembre 8, 2022.

Batay sa ulat ng Gordian Knot Center (GKC) for National Security Innovation nitong Huwebes na nagkaroon ng “komprontasyon” sa pagitan ng Chinese Coast Guard at ng BRP Andres Bonifacio sa West Philippine Sea.

“We will have to check the report. We will get back to you once information is acquired,” ani AFP Wescom’s Lieutenant Colonel Isagani Nato.

Batay sa satellite images na nakalap ng research centers at data providers, isiniwalat ito ni GKC official Raymond Powell sa forum sa Prioritizing the National Interest in Philippine Foreign Policy na inorganisa ng Stratbase Institute.

“Recently, there was a confrontation, about a month ago, between a Chinese coast guard vessel and BRP Andres Bonifacio right by Panatag or Scarborough Shoal. What we can draw from this experience is that Andres Bonifacio, coming from the northeast, [is] coming down towards the direction of Scarborough Shoal. The Chinese coast guard vessel, numbered 3303, identified as unknown because for some reason a couple of days prior to this, swapped numbers but it is the same ship…comes out and puts itself between the Bonifacio and Panatag Shoal,” ani Powell, retiradong US Air Force colonel.

“The two ships converge to about 800 meters, they go from north to south, and then eventually, the Bonifacio peels off and returns back to the Philippines,” dagdag niya.

“As far as I know, this incident was never reported or was never discussed, but we are able to find out about it because there are tools available to us,” paglalahad pa ni Powell.

Sinabi ni Powell na mapipigilan lamang ang mga ganitong insidente sa pagpapaunawa sa publiko sa “consequences” ng mga aksyon at pakikipag-alyansa sa upang makakuha ng credible data at defense.

Uuwi na si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. mula sa state visit sa China today at nauna nang sinabi na sumang-ayon ang kanyang Chinese counterpart na si Xi Jinping na magkasa ng mga kompromiso at panukala na pabor sa mga mangingisdang Pilipino sa West Philippine Sea.

Samatala, sa nasabing pagbisita, sumang-ayon ang mga gobyerno ng Pilipinas at China na ipagpatuloy ang pag-uusap ukol sa  oil at gas exploration sa South China Sea sa mas maagang panahon. 

Sa  joint statement, sinabi ng Department of Foreign Affairs at Chinese Foreign Ministry na ang pag-uusap na nabuo sa nakalipas na administrasyon ay mayroong “view of benefiting the two countries and their peoples.”

“On oil and gas cooperation, both sides agreed to bear in mind the spirit of the Memorandum of Understanding on Cooperation on Oil and Gas Development between the Government of the People’s Republic of China and the Government of the Republic of Philippines signed in 2018, and agreed to resume discussions on oil and gas development at an early date,” ayon sa kalatas.

Napagkasunduan din ng magkabilang panig na i-explore ang pagtutulungan sa larangan  ng  “solar power, wind energy, electric vehicles at nuclear energy” para sa  electricity generation at iba.

Matatandaang, ang pag-uusap sa posibleng  oil at gas exploration sa  South China Sea ay winakasan noong panahon ni dating Pangulong  during Rodrigo Roa Duterte dahil sa constitutional constraints.

Matapos ang ilang makaulit na requests mula sa  China, kapuwa nagsagawa ang magkabilang panig ng “initial discussion” noong Hulyo at Agosto para sa posibleng  pagbuhay sa negosasyon.

Tiniyak naman ng gobyerno sa publiko na ang anumang kasunduan na magiging resulta ng pag-uusap ay alinsunod sa Salitang Batas. 

Nakasaad sa 1987 Constitution  na “exploration, development, and use of natural resources should be under the “full control and supervision” of the Philippine government.” Kris Jose