Pagpili ng gabinite ni PBBM ‘di dapat kapritso lang-Lagman

Pagpili ng gabinite ni PBBM ‘di dapat kapritso lang-Lagman

October 7, 2022 @ 12:06 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Pinayuhan ni  Albay Rep Edcel Lagman si Pangulong Bongbong Marcos na maging maingat sa pagpili ng mga magiging miyembro ng kanyang Gabinete na nakabase dapat sa kuwalipikasyon at hindi sa kapritsuhan.

Ang pahayag ay ginawa ni Lagman upang hindi umano masayang ang pera ng taumbayan at ang tatanggap ng malaking sweldo ay ang mga karapat dapat na mapwesto.

Aminado si Lagman na dismayado ito sa sunud sunud na pagbibitiw ng ilang miyembro ng gabinete ni Pangulong Marcos sa kanila ng 100 araw pa lamang ito sa Malacanang, aniya, pagpapakita lamang ito na kapos ang vetting process ng Pangulo sa pagbili ng kanyang makakasama sa pagtatrabaho.

Ani Lagman, may karapatan ay kapangyarihan si Pangulong Marcos na pumili ng kanyang iluluklok subalit dapat nakabatay ito sa kwalipikasyon, karakter, integridad, talento, merito at karanasan. Gail Mendoza