Pagpili ng ihahalal batay sa kandidatong ‘winnable’ at ‘di sa konsensya, ikinabahala ng CBCP

Pagpili ng ihahalal batay sa kandidatong ‘winnable’ at ‘di sa konsensya, ikinabahala ng CBCP

January 16, 2022 @ 9:18 AM 7 months ago


MANILA, Philippines-  Sa gitna ng pagkalat ng maling impormasyon, sinabi ni Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) President Bishop Pablo Virgilio David na, “Filipinos’ tendency to go for the winnable than actually vote according to conscience is something that I found extremely disturbing”

“If we are to base ourselves in survey results it is almost clear who are bound to come out as sure winners in the coming elections for president and vice president in May 2022,” ayon pa kay David nitong Sabado.

Kaugnay ng pagpili ng mga Pilipino sa iboboto nila batay sa kung sino ang “winnable” sa halip na batay sa kanilang konsensya, sinabi ni David na, “We have failed big time with regard to the formation of a moral conscience among Catholics.”

“One of the most crucial moral issues about the coming elections in May 2022 will have to do with moral imperative or upholding the truth. The moral obligation of every Christian to uphold the truth,” dagdag pa ni David.

“It has become particularly challenging in this age of disinformation.”

Ipinaliwanag ni David na ginagamit umano ang social media upang magpakalat ng mga kasinungalingan “even without verification” hindi kagaya ng traditional kung saan bineberipika ang mga impormasyong inilalabas.

“Ang paninira ay pagsasabi ng hindi totoo laban sa isang kandidato. Kasama na dito ang paggamit ng mga trolls sa social media upang gumawa ng fake accounts na ang trabaho ay magkalat ng kasinungalingan hanggang sa tanggapin ito bilang katotohanan,” aniya. RNT/SA