Pagpirma ng BOL, seseremonyahan sa August 6 – SAP Bong Go

Pagpirma ng BOL, seseremonyahan sa August 6 – SAP Bong Go

July 30, 2018 @ 7:41 PM 4 years ago


Manila, Philippines – Nakatakdang magsagawa ang Malakanyang ng ceremonial signing ng Bangsamoro Organic Law (BOL)  sa August 6.

Ito  ang kinumpirma ni Special Assistant to the President (SAP) Christopher “Bong” Go.

Matatandaang nakatakda sana ang pagpirma ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Lunes July 23 sa kanyang ikatlong State of the Nation Address (SONA) pero naunsyami ito dahil sa naging komosyon ng pagpapalit ng liderato ng House of Representatives.

Isang araw matapos ang SONA nang maratipikahan na ang bagong bersyon ng naturang batas na agad ding napirmahan ng pangulo noong July 26 (Huwebes).

“I would personally want to see a ceremony and I would like to invite all the stakeholders … I think we deserve one,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque sa isinagawa nitong news conference kaninang umaga (July 30).

Layon ng BOL na magkaroon ng kasarinlan ang Autonomous Region in Muslim Mindanao. (Remate News Team)