Pagproseso sa foreign donations pabibilisin pa – ARTA

Pagproseso sa foreign donations pabibilisin pa – ARTA

November 4, 2022 @ 11:46 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Pabibilisin pa ng pamahalaan ang pagproseso sa mga foreign donations na matatanggap ng bansa sa panahon ng kalamidad.

Ito ang sinabi ng Anti-Red Tape Authority (ARTA) kung saan ay nakikipagtulungan na sila sa iba pang ahensya ng pamahalaan na mapababa pa sa pitong araw ang paglalabas ng Duty-Exempt Importation (DEI) Certification, na hinihingi ng Department of Social Welfare and Development bago makapagbigay ng tulong ang isang nongovernment organization (NGO).

Ani ARTA officer-in-charge Ernesto Perez, plano pa nilang pababain sa tatlong araw ang pagproseso nito sa mga lugar na nasa ilalim ng state of calamity.

Dagdag pa, plano ring babaan sa tatlo mula sa dating siyam ang bilang ng mga dokumentong kakailanganin para sa sertipikasyon.

“The government is working together to serve the people who are in dire need of speedy services. President [Marcos Jr.] has made it clear that Filipinos should not be made to wait especially in times of calamities,” sinabi ni Perez.

Aniya, bumubuo rin umano ang ARTA kasama ng iba pang sangay ng pamahalaan na bumuo ng kautusan na magpapabuti ng end-to-end processing ng foreign donations.

“Through the whole-of-government approach, the [joint memorandum circular] will make way for the establishment of a green lane which will facilitate the expedited processing of the DEI and release from the Bureau of Customs (BOC). This to ensure that donors will not have to go to different government agencies anymore,” pagbabahagi ni Perez. RNT/JGC