Pagproseso sa whitelist recruitment agencies sa Saudi pinabibilis na ng DMW

Pagproseso sa whitelist recruitment agencies sa Saudi pinabibilis na ng DMW

November 27, 2022 @ 1:25 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Pinabibilis na ng Department of Migrant Workers (DMW) ang pagproseso ng mga kinakailangan ng mga recruitment agencies na whitelist ng gobyerno kasunod ng pagtanggal ng deployment ban sa Saudi Arabia.

Ayon sa DMW, tanging ang mga nasa whitelist na mga ahensya ang maaring magrecruit ng overseas Filipino workers (OFWs) KSA.

Sa susunod na linggo ay aaprubahan na ang job orders ng mga OFW para sa Saudi Arabia.

Maglalagay din ng courtesy lanes para sa liaison officers at staff ng iba pang government agencies para mapabilis ang deployment ng mga manggagawang Filipino. Jocelyn Tabangcura-Domenden