Pagprotekta ng DSWD sa human trafficking victims, suportado ng PCG

Pagprotekta ng DSWD sa human trafficking victims, suportado ng PCG

November 30, 2022 @ 12:30 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Inihayag ng Philippine Coast Guard (PCG) ang pagsuporta nito sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pagpoprotekta sa mga katutubo laban sa “human trafficking.”

Kasabay nito, inilatag ni PCG District Southwestern Mindanao Commander, CG Commodore Marco Antonio Gines, ang mga inisyatiba ng Coast Guard para malabanan ang human trafficking ng mga katutubo sa pagbisita kahapon ni DSWD Secretary Erwin Tulfo sa Zamboanga City kahapon, Nov.29.

Kabilang dito ang mas mahigpit na inspeksyon sa mga pantalan at pagpalalawak ng kooperasyon sa lokal na pamahalaan para maingatan ang kapakanan ng mga ito.

Panawagan ng kalihim, tuluyang tapusin ang aktibidad ng mga sindikato na diumano’y nagdadala sa mga katutubo mula sa probinsya papuntang Maynila para manlimos sa kalsada.

Mahalaga aniya na maresolba ang problemang ito ngayong papalapit ang kapaskuhan kung kailan mas talamak ang presensya ng mga katutubo sa lansangan na nagdadala sa kanila sa kapahamakan. Jocelyn Tabangcura-Domenden