Pagpunta ni Sandro sa Singapore Grand Prix, sariling lakad

Pagpunta ni Sandro sa Singapore Grand Prix, sariling lakad

October 9, 2022 @ 8:52 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Nilinaw ni presidential son at Ilocos Norte Representative Sandro Marcos na hiwalay na lakad niya ang pagpunta sa Singapore para manood ng F1 Grand Prix kamakailan.

Matatandaan na naidugtong ang kanyang pangalan sa di-umano ay kasama ng kanyang ama na si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na kamakailan ay kinumpirma ring nagtungo nga sa Singapore.

Sa isang panayam, sinabi ni Marcos na nagkita lamang umano sila doon ng kanyang ama ngunit hiwalay talaga ang lakad niyang iyon at kasama niya ang kanyang mga kaibigan.

Matagal na rin umano nila itog plano at nilibre lamang siya papunta doon.

“Noong nandoon ako sa Singapore, hindi ko sinamahan ang tatay ko, may sarili akong lakad kasama, 12 of us, ako at ang aking mga kaibigan, after nag-recess ay matagal na naming plinano yan, matagal na namin binook yan,” ani Marcos.

Kaugnay naman ng bali-balitang relasyon sa actress-host na si Alexa Miro na kasama niya sa litrato, sinabi nito na wala rin silang kaugnayan o relasyon.

“Eh nung lumabas ang daming nag assume na number 1, I was with my dad which wasn’t true, I saw him once, No. 2 si Alexa ay girlfriend ko which is not, she is a friend of mine, and kasama yan sa barkada ko,” paliwanag ni Rep. Marcos.

“May lumapit sa amin and they said na picturan ko kayo but you have to ‘cheers’ and look happy. So yung gumaganon kami staged ‘yun, pero yung hindi ko alam ay lalabas yan sa F1 website, ‘yan ang hindi ko alam. Akala ko parang amateur photographer lang na umiikot na was taking pirctures,” dagdag pa niya.

Nagpasalamat naman ito sa isa sa mga organizer ng naturang racing event na siya umanong nag-imbita sa kanila para makapunta doon.

“Libre lahat so medyo suwerte ako,” aniya. RNT/JGC