Pagpupulong ni PBBM, Private Advisory Council sumentro sa pagtulong sa mga magsasaka

Pagpupulong ni PBBM, Private Advisory Council sumentro sa pagtulong sa mga magsasaka

July 8, 2022 @ 11:24 AM 1 month ago


MANILA, Philippines- Sinimulan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagtulong sa mga magsasaka.

Ito’y sa kabila ng ilang araw pa lamang siyang umuupo bilang Kalihim ng Department of Agriculture (DA).

Sa katunayan, ito ang isa sa mga naging sentro ng ginawang pagpupulong kahapon ni Pangulong Marcos sa hanay ng Private Advisory Council sa Malakanyang.

Makikita sa Facebook post ng Punong Ehekutibo, sinabi nitong excited siyang makabuo ng mga programang makatutulong sa mga magsasaka katuwang ang pribadong sektor.

Bukod pa sa marami aniya siyang narinig na mga bagong ideya mula sa Private Advisory Council na magpapataas sa antas ng sektor ng Agrikultura.

Samantala, nagpaabot naman ng pasasalamat si Pangulong Marcos sa kanyang mga nakapulong na aniya’y nagpaunlak na maibahagi ang kanilang mga ideya sa gitna ng pagsisikap ng pamahalaan na mapa-angat ang Agriculture sector. Kris Jose