Pagpupulong sa problema ng port congestion, target ng DOTR

Pagpupulong sa problema ng port congestion, target ng DOTR

September 19, 2022 @ 7:30 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Target ng Department of Tranportation na kausapin ang mga stakeholders sa hauling sector para masolusyunan ang problema sa port congestion.

Umaasa naman si DoTr Usec for Maritime Sector Elmer Sarmiento na posibleng mauwi ito sa isang transport summit.

Ayon kay Sarmiento, tumataas talaga ang bilang ng mga containers na nasa pantalan kaya pinagpaplanuhan na aniya ng Philippine Ports Authority (PPA) kung paano ito mapapababa.

Isa sa nakikitang posibleng solusyin ay ang pag-aatas sa mga shipping lines na kunin na ang kani-kanilang mga containers.

Sinabi rin ni Sarmiento na posible ding solusyon ang paggamit ng mga container yards na nasa labas ng mga pantalan.

Naniniwala rin si Sarmiento na tulungan mula sa mga stakeholders at Industry players ang pinaka mabuting solusyon sa problema ng port congestion. Jocelyn Tabangcura-Domenden