Pagrebisa ng charter ng Baguio City, aprubado sa Senado



Pagrebisa ng charter ng Baguio City, aprubado sa Senado

June 10, 2021 @ 7:20 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Inaprubahan ng Senate committee on local government ang panukalang baguhin ang Charter ng Baguio City pero kailangan sumailalim sa pagpipino ng ilang probisyon na isasagawa ng  isang technical working group (TWG).

Sa pahayag, sinabi ni Senador Francis “Tol” Tolentino, chairman ng komite na kabilang sa probisyon ang hangganan ng teritoryo city officials, boards at councils, at ancestral lands na bahagi ng  Senate Bill No. 2163 na pipinuhin ng TWG.

“The committee would convene a technical working group to fine-tune some of the provisions the Chair just mentioned while we wait for position papers coming from DENR (Department of Environment and Natural Resources), NCIP (National Commission on Indigenous Peoples),
BCDA (Bases Conversion and Development Authority), and perhaps the City Council and the Camp John Hay authorities,” ayon sa senador.

“The committee is approving the measure subject to a technical working
group refinement,” dagdag niya.

Sinabi ni Tolentino na kabilang sa miyembro ng TWG ang miyembro ng komite ng Senado, legal officer ng Baguio City government,   Land Management Bureau,   Department of the Interior and Local Government, BCDA, Camp John Hay authorities, at tanggapan ni Baguio City Rep. Mark Go.

Gaganapin ang TWG sa Baguio City.

Ipinanukala ni Senador Imee Marcos ang pagrerebisa ng charter ng lungsod upang “tugunan ang kasalukuyang pangangailangan ng lungsod at mamamayan nito.

“The proposed measure retains similar goals, primarily to include the effective implementation of the city government’s land use development plan, settlement of the boundary dispute of the city with the adjoining Municipality of Tuba, addressing the problem in the disposition of alienable and disposable public lands with the Baguio townsite reservation, and the creation of a more responsive taxation system and revenue generating projects,” ayon kay Marcos sa kanyang
explanatory note sa panukala.

“Furthermore, this bill states, among other things, that the Department of Environment and Natural Resources retains sole authority over the control and supervision of alienable and disposable public lands, and that the revised charter does not interfere on the
disposition of public properties owned by the Bases Conversion and
Development Authority,” giit niya.

Aprubado na sa Mababang Kapulungan ang counterpart bill,ang House Bill
No.8882 noong Marso. Ernie Reyes


  •  
  •  
  •