Pagrebisa sa mga libro, walang ganun-DepED

Pagrebisa sa mga libro, walang ganun-DepED

August 23, 2022 @ 10:34 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Hindi naging paksa sa anumang talakayan sa Department of Education (DepEd) ang rebisyon ng school textbooks para baguhin ang ilang historical events.

Sinabi ni DepEd spokesperson Michael Poa, nakatuon ang pansin ng departamento sa pagrerepaso ng “learning competencies” para iangat ang kalidad ng edukasyon.

“Sa DepEd, ang ginagawa nating pagre-review ay for learning competencies. Sa umuugong na talks of revisions or anything like that, walang pinag-uusapan na ganyan,” ayon kay Poa.

“Di naman tayo bingi, naririnig naman natin yang ganyang usapan even in social media but I think we should also not dwell on that kasi there’s no discussion on any revision as to historical events. Walang ganon talaga. Ang trabaho natin ay itaas ang quality of education so it’s the learning competencies. Wala pong napag-uusapan na ganyan,” dagdag na pahayag nito.

Sinabi pa ni Poa na pinag-aaralan ng DepEd na palawigin ang sakop ng regional high schools at paghusayin pa ang kasanayan ng mga guro upang masiguro na lilitaw ang “competitive and skilled” ng mga estudyante. Kris Jose