Pagrebyu sa K-12 puwedeng isabay sa EDCOM 2 – Angara

Pagrebyu sa K-12 puwedeng isabay sa EDCOM 2 – Angara

June 27, 2022 @ 6:15 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Inihayag ni Senador Edgardo Angara na puwedeng isabay ang pagrebyu sa K-12 program sa panukalang EDCOOM 2 o ang Second Congressional Commission on Education.

Maraming advocates ang nakiki-usap kay Pangulong Duterte na lagdaan ang EDCOM 2 bill bilang batas upang tugunan ang kasalukuyang learning crisis at maiwasan angpagbagsak ng Philippine education system.

“Any K to 12 review can proceed alongside the proposed Edcom2 (Second Congressional Commission on Education) which Congress has passed,” ayon kay Angara s a statement.

“Both seek to reform Philippine basic education and it’s important (that) when we reform K to 12, we see it as a component part of the whole education system as well as the economy as a whole,” giit ng senador.

Ikinalungkot ni Angara na kahit naisabatas na ang Universal Access to Quality Tertiary Education Act, o ang Free College law, maraming estudyanteng Filipino students ang kapos sa kaalamanan upang makahanap ng trabaho.

“We have a young population that is in need of skills and learning, and despite the passage of the UAQTEA or the free college law, many still do not make it that far,” giit ng mambabatas.

“Which is why, improving K to 12 is crucial for our young people,” aniya pa. Ernie Reyes