Pagreretiro ni Pacman, tuloy kaya?

Pagreretiro ni Pacman, tuloy kaya?

May 17, 2022 @ 8:29 AM 2 months ago


Manila, Philippines – Alam ng lahat na hindi pinalad si Manny Pacquiao na manalong Presidente.

At isa nga sa mga ipinangako niya noong kampanya ay ang tuluyan nang pagtalikod sa larangan ng boksing.

Now, all eyes are on Pacman kung tototohanin nga ba niya ang binitawang pangako.

May kunek kasi ito sa anak niyang si Jimuel na makalawang beses nang nagwagi bilang amateur boxer.

Totoo nga ang kasabihang the apple does not fall from the tree.

Namana ni Jimuel ang hilig ng ama, at ngayo’y kinikilala sa Amerika na isang promising boxer.

Si Jimuel na kaya ang magpapatuloy ng nasimulan ng ama?

O dahil bigo si Pacman sa ambisyon nitong maging Pangulo ay ppsible bang ituloy pa nito ang pagboboksing?

Marami ang nagpapayo kay Pacman to keep his promise, dahil may edad na naman ito.

On top of that ay wala na itong dapat patunayan.

Maaari naman daw magsilbing training coach na lang siya ng anak.

Pero ayaw papigil ang ilang intrigero.

Kailangan daw huwag munang magretiro si Pacman para mabawi ang ginastos niya noong eleksyon.

Ang tanong: gumastos nga ba nang malaki? And if ever he spent on his campaign, gasino na lang ‘yon kumpara sa perang kinita niya spanning his boxing career? Ronnie Carrasco III