Pagsabatas ni PBBM sa SIM registration, BSKE postponement posible-ES Bersamin

Pagsabatas ni PBBM sa SIM registration, BSKE postponement posible-ES Bersamin

October 5, 2022 @ 9:04 AM 6 months ago


MANILA, Philippines – “Very sincere” si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na dalhin ang Pilipinas “to greater heights.”

Sinabi ni Executive Secretary Lucas Bersamin na masyado siyang humanga sa work performance ni Pangulong Marcos at ang palaging paalala ng Pangulo sa kanyang gabinete na “work harder” para sa ikabubuti pa ng bansa.

“He (Marcos) is very, very sincere and he wants us to do more,” ayon kay Bersamin.

“A lot of things need to be done yet. Every Cabinet meeting, he always presses all Cabinet members to move forward and achieve more to bring the country to greater heights,” dagdag na pahayag nito.

Nakita rin aniya ang unang tatlong buwan ni Pangulong Marcos sa kanyang tanggapan, na aniya’y “very inspiring.”

Sa kabila aniya ng pagiging “outsider for a long time,” hindi naman aniya lingid sa kanyang kaalaman na marami ng achievements ang administrasyong Marcos.

“It’s my only impression. Marami,” ani Bersamin. Tinukoy ang kamakailan lamang na naging partisipasyon ng Pangulo sa 77th session ng United Nations General Assembly sa Estados Unidos.

“While the current administration has already accomplished so many things, Marcos has no plan to highlight his achievements on his first 100 days,” sabay sabing “It seems that he’s not that kind na mage-emphasize siya sa 100 days,” anito sabay sabing “Si Presidente is always ambivalent about that term 100. Bakit 100? Bakit hindi 50? Are we bound to give a report on 100 days, sabi niyang ganiyan.”

Aniya pa, malaki ang posibilidad na tintahan ng Pangulo ang legislative measures gaya ng batas ukol sa SIM registration at pagpapaliban ng 2022 barangay and Sangguniang Kabataan (SK) elections.

Ito’y matapos na opisyal nang ipadala ng Kongreso sa Tanggapan ng Pangulo ang enrolled copies ng dalawang batas.

Madalang aniya na mag-veto ang isang Pangulo ng isang batas.,

“‘Yung mga ganyang signing, you must presume the good faith of the two houses of legislature and when they submit to the President for his signature any piece of legislation na pagdaanan na nila , the probability is high that the president will agree with them,” anito.

Sa isang Facebook post, sinabi ng Pangulo na pinag-usapan nila ng kanyang gabinete ang mga pamamaraan para i-monitor at tugunan ang presyo ng mga pangunahing bilihin at tiyakin ang katatagan ng food supply sa bansa.

“Sa ating pulong ngayong araw kasama ang gabinete, pinagtibay natin ang mga susunod na hakbang upang mabantayan ang presyo ng mga bilihin. Sisiguruhin po natin na maisasaayos ang suplay ng pagkain upang maging sapat at abot-kaya para sa mamamayang Pilipino,” anito. Kris Jose