Pagsabatas sa Marawi Compensation Bill paspasan bago term-end ni Digong- Bistek

Pagsabatas sa Marawi Compensation Bill paspasan bago term-end ni Digong- Bistek

February 1, 2022 @ 4:50 PM 8 months ago


MANILA, Philippines -Ipinanawagan ni si dating Quezon City Mayor at senatorial bet Herber “Bistek” Bautista sa Malakanyang at Kamara na madaliin ang pagsasabatas sa Marawi Compensation Bill.

Ito ay para matulungang makabalik sa normal na pamumuhay ang nasa 300,000 Maranao at iba pang katutubo sa inatakeng syudad na napilitang lumikas sa kasagsagan ng Marawi siege.

Halos limang taon na ang nakararaan nang kubkubin ng ekstremistang grupong Islamic state ang Marawi City.

Naging madugo ang naging bakbakan sa pagitan ng mga puwersa ng gobyerno at miyembro ng Islamic state na nagbunga ng pagkawasak ng buong lungsod.

Ani Bautista, dapat na madaliin ang naturang panukalang batas para maibigay ang dapat na tulong sa mga biktima ng marawi siege.

Aniya, marami pa rin sa kanila ang nagtitiis na tumira sa mga barung-barong o nakikisilong sa kanilang mga kamag-anak.

Isa namang magandang balita ang pagkakapasa sa ikatlo at huling pagbasa ng nasabing panukala sa Senado.

Umaasa si Bautista na magsisimula sa lalong madaling panahon ang pagtalakay nito sa Bicameral Conference Committee para mapirmahan na ni Pangulong Duterte.

Ayon kay Bautista, kapag naipasa ito ang magiging pamanang batas ng ika-labing walong kongreso at ni pangulong duterte mismo sa mga maranao at iba pang muslim sa lungsod ng Marawi.

Todo ang suporta ni Bautista sa naturang panukalang batas bunsod na rin ng nakamit ng pakikiisa at suporta mula sa muslic community nang siya ay alkalde ng Quezon City at naging tagapangulo ng Regional Peace and Order Council sa National Capital Region. RNT