Pagsabog sa Basilan, ‘terrorist attack’ ayon sa Malacañang

Pagsabog sa Basilan, ‘terrorist attack’ ayon sa Malacañang

July 31, 2018 @ 1:29 PM 5 years ago


Manila, Philippines – Kinondena ng palasyo ng Malacañang ang pagsabog  sa Lamitan City sa Basilan na ikinamatay ng nasa sampu katao.

Tinawag ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa press briefing sa isinagawa kanina, na isang terrorist attack ang naganap at dapat managot sa batas ang mga taong nasa likod nito.

Dagdag pa ni Sec. Roque, inatasan na ng Malacañang ang Philippine National Police (PNP) na magsagawa ng malalimang imbestigasyon sa nasabing insidente.

Sampung katao ang patay, karamihan ay mga sibilyan habang pitong iba pa ang nasugatan sa nangyaring pag-atake ng suicide bomber sa Lamitan City, Basilan kanina (July 31).

Nangyari ang pagsabog ng isang passenger van dakong alas-5:30 ng umaga sa mismong checkpoint ng militar at pulisya sa Barangay Bulanting.

Matatandaang hanggang sa ngayon ay umiiral ang Martial Law sa buong Mindanao upang mapigilan ang pagkalat ng terorismo sa buong rehiyon kung saan mahigpit ang pagbabantay ng militar. (Remate News Team)