Pagsabog sa Masbate port, bubusisiin ng PCG

Pagsabog sa Masbate port, bubusisiin ng PCG

August 2, 2018 @ 1:17 PM 5 years ago


 

Manila, Philippines – Iniimbestigahan ngayon ng Philippine Coast Guard (PCG) ang naganap na pagsabog sa Pier ng Masbate kagabi.

Sa ngayon ay nakikipag-ugnayan na ang PCG District Bicol  sa iba pang ahensya ng gobyerno kung anong grupo o sino ang may kagagawan ng pagsabog na nagdulot ng bahagyang pagkakasira o minor damaged.

Ayon kay Acting Commander ng Coast Guard Bicol Captain Danilo Enopia, bago naganap ang pagsabog sa Masbate port sakop ng Masbate City o 250 Metro ang layo sa Coast Guard Station, isang mabilis na Motor Banca mula sa hindi pa mabatid na direksyon ang naghagis ng bomba bago narinig ang pagsabog.

Mabilis namang tumakas ang hindi nakilalang mga suspek. Nagsagawa naman ng paneling ang Coast Guard K-9 Unit sa lugar habang nagsasagawa ng malalimang imbestigasyon ang PCG.

Pinagpapaliwanag naman ang mga nakatalagang Coast Guard sa Masbate Port kung bakit naganap ang paghahagis ng bomba gayung maagang naitaas ang maximum alert sa kabuuan ng PCG gayung maagang naideklara ang heightened alert kasunod ng pagsabog naman sa Basilan. (JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN)