Pagsabog titingnang anggulo sa nasunog na fast craft vessel

Pagsabog titingnang anggulo sa nasunog na fast craft vessel

May 25, 2022 @ 9:45 AM 1 month ago


MANILA, Philippines- Iimbestigahan ng mga awtoridad ang umano’y pagsabog ng M/V Mercraft 2 at ang pagpa-panick ng mga pasahero na tumalon sa tubig sa halip na maayos na evacuation sa insidente sa Real sa Quezon province nitong Lunes.

“Kung sana hindi ganoon ang biglaang sunog at biglang laki ng apoy [If the fire, and the size of the blaze, had not been that sudden], there should always be a procedure wherein emergency response from the officers on board to evacuate all these passengers,” sabi ni Maritime Industry Authority (MARINA) Regional Office IV Director Manny Carpio.

Sinabi ni PCG spokesperson Commodore Armand Balilo na nais ng Department of Transportation (DOTr) na imbestigahan ang lahat ng anggulo upang matukoy ang sanhi ng sunog.

Nasa pitong indibidwal ang nasawi sa sunog sa Mercraft 2, na may rutang Polillo-Real-Polillo.

Ayon kay Balilo, 24 indibidwal ang sugatan at tatlo sa mga ito ang kritikal.

Sakay ng fast craft vessel ang 134 indibidwal, 126 ay pasahero habang walo ang crew members. RNT/SA