Pagsakay sa lumilipad na balyena, VR therapy, nakatatanggal ng ‘fear of heights’

Pagsakay sa lumilipad na balyena, VR therapy, nakatatanggal ng ‘fear of heights’

July 12, 2018 @ 2:37 PM 4 years ago


 

Paris, France – Naniniwala ka bang maaring mabawasan ang iyong ‘fear of heights’ kapag sumakay ka sa lumilipad na balyena gamit ang virtual reality (VR) therapy?

Pinatunayan ito ng specialized team na binubuo ng mga psychologists at IT experts. Isinagawa nila ang pag-aaral upang kumpirmahin kung ang nakababawas ba talaga ng acrophobias ang paggamit ng VR matapos makatanggap ng maraming ulat tungkol dito.

Ayon sa team, ang VR-based treatment ay, “have the potential to greatly increase treatment provision for mental health disorders.”

Kasama ang virtual ‘coach’ na gagabay sa mga pasyente sa treatment na ito, ang makabagong pamamaraan na ay makapagbibigay ng murang paraan para matulungan ang mga tao na walang kakayahang makapagbayad ng face-to-face therapist.

Gumagamit ang VR coach ng recorded na boses ng isang aktor.

Ang ‘fear of heights’ ay ang pinaka-common sa napakaraming phobia, naaapektuhan nito ang isa sa limang tao, ayon sa researchers na naglathala ng kanilang pag-aaral sa The Lancet Psychiatry medical journal.

Karamihan sa mga mayroon nito ay hindi nakatatanggap ng treatment.

Sa isinagawang pag-aaral, nag-recruit ang mga researcher ng 100 na volunteers. Ang kalahati ay binigyan ng VR treatment at ang iba naman ay hindi para mapagkumpara.

Ito ang kauna-unahang VR phobia treatment na hindi kinakailangan ng presensya ng real-life therapist, sabi pa ng researchers.

“We designed the treatment to be as imaginative, entertaining and easy to navigate as possible,” paliwanag pa ng pinuno ng pag-aaral na si Daniel Freeman of the University of Oxford’s psychiatry department.

Suot ang goggles at gloves habang nakatayo, ang mga pasyente ay gagalaw sa loob ng 3-D world na nakasentro sa malaking espasyo ng computerized, 10-storey office building.

Ang pre-recorded na 30-minute program session ay automatic na magpla-play kasama ng virtual coach na nagpapaliwanag ng mga dapat gawin ng partisipante.

Kailangan lamang tumawid ng mga pasyente sa tulay, sagipin ang isang pusa sa taas ng puno, isagawa ang task malapit sa laglagan ng isang balkonahe at ang pinaka-exciting sa lahat ay ang pagsakay sa lumilipad na balyena.

Hindi naman makapaniwala ang mga researcher sa naging resulta ng pag-aaral.

Ayon kay Freeman, “over three-quarters of the participants receiving the VR treatments showed at least a halving of their fear of heights.” (Remate News Team)