Pagsalakay ng mga pulis sa magkapatid na INC members, illegal – CA

Pagsalakay ng mga pulis sa magkapatid na INC members, illegal – CA

September 21, 2022 @ 9:37 AM 1 week ago


MANILA, Philippines – Idineklara ng Court of Appeals (CA) na illegal ang ginawang pagsalakay ng mga pulis sa bahay ng pinatalsik na miyembro ng Iglesia ni Cristo na si Lottie Manalo Hemedez, kapatid ni INC Executive Minister Eduardo Manalo noong Marso 2017.

Sa resolusyon ng CA, ang mga nakumpiskang gamit umano ay hindi katangap-tangap sa korte bilang ebidensya sa isinampang kaso na illegal possession of firearms and ammunition.

Ayon sa appelate court maituturing na
“fruits of poisonous tree” ang kaso laban sa magkapatid na Manalo.

Sa ginawang search and seizure ng Quezon City Police District (QCPD), nasamsam umano ang 74 na mga baril, 46 magazines, 17,491 rounds ng ammo at 89 explosives.

Ang dalawa ay nakatira sa lupaing pag-aari ng INC na pinagtatalunan sa korte sa pagitan ng pamunuan ng nabanggit na relihiyon at ng magkapatid na Manalo na pinatalsik sa INC noong Hulyo 2015 matapos magpost ng YouTube video na humihingi ng tulong sa kapwa mga miyembro dahil nasa panganib umano ang kanilang buhay.

Inakusahan ni Angel na mayroong anomalya at korupsyon sa kanilang grupo. Teresa Tavares