Pagsali ng Kabataan, Gabriela sa 2022 poll ikinalungkot ng NTF-ELCAC

Pagsali ng Kabataan, Gabriela sa 2022 poll ikinalungkot ng NTF-ELCAC

December 6, 2021 @ 9:01 AM 10 months ago


MANILA, Philippines – Ikinalungkot ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) ang pagkakasali ng party-list groups na Gabriela at Kabataan sa Halalan 2022.

Kung babalikan, matatandaan na naghain ng petisyon ang NTF-ELCAC sa Commission on Elections (Comelec) upang idisqualify ang Gabriela Women’s Party at Kabataan Partylist dahil sa di-umano ay koneksyon ng mga ito sa Communist Party of the Philippines – New People’s Army – National Democratic Front (CPP-NPA-NDF).

“The NTF ELCAC is deeply saddened that fiercely anti-CPP-NPA-NDF party-list groups, notably Sambayanan and Epanaw were not given accreditation by the Comelec while at the same time giving accreditation to party-list groups the NTF-ELCAC has clearly identified as fronts of the terrorist group: Kabataan and Gabriela,” sinabi ni NTF-ELCAC spokesperson for Sectoral Concerns Lorraine Marie Badoy sa isang press statement.

Mayroon rin umano silang ‘incontrovertible proof’ sa inihain nilang petisyon laban sa Gabriela at Kabataan.

“These include powerful personal testimonies of victims and their families of deceitful recruitment of Gabriela and Kabataan of our children as violent extremists of the NPA where an unbearable number of them have died at such tender ages and such violent circumstances,” dagdag pa niya.

Kabilang rin umano sa laman ng kanilang petisyon ang mga direktang testimonya mula sa mga dating CPP-NPA-NDF founders, mga operatiba at mga dokumentong nakuha ng Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police sa mga nagdaang operasyon.

“It is unfortunate that while the vast majority of our people are already awake and know the clear truth about these groups, it seems the Keeper of the integrity and sanctity of our votes, the Comelec has remained ignorant and/or apathetic,” pagdidiin niya.

Nanawagan naman si Badoy sa mga Filipino na suportahan ang NTF-ELCAC sa pangangalampag nito sa Comelec sa naturang desisyon.

“We ask that they demand that the Comelec do the right thing: disqualify the CPP NPA NDF-created party list groups so that they may never again harm our people and our democratic way of life by infiltrating the very government they wish to destroy.” RNT