Pagsali sa PBB, pinagsisihan ni Brenda Mage!

Pagsali sa PBB, pinagsisihan ni Brenda Mage!

July 4, 2022 @ 9:21 AM 1 month ago


Manila, Philippines – Binalikan ng komedyanteng si Brenda Mage ang kanyang journey mula sa pagsisimula ng kanyang showbiz career hanggang sa pagiging housemate niya sa Pinoy Big Brother (PBB). Dito ay inamin niyang pinagsisisihan niya na nakasama siya sa nasabing reality TV show.

‘Yun ang kanyang pasabog sa YouTube channel ng broadcaster na si Karen Davila.

“Pinagsisisihan ko ang naging housemate ako sa PBB.

“Parang feeling ko, sa lahat ng na-achieve ko sa buhay ko ngayon, ang pinaka-achievement ko na akala ko imposibleng mangyari is maging housemate.

“Since 2010 nag-audition ako [sa PBB] four times na, pang-five ‘yung last year tapos ngayon lang ako nakuha tapos sa celebrity pa ako nalagay,” sabi ni Brenda.

Maya-maya ay sinabi na niya ang kanyang realizations nu’ng nasa loob siya ng Bahay ni Kuya hanggang sa siya ay makalabas.

“‘Yun ‘yung nagpa-realize sa akin na hindi pala lahat ng pangarap na gusto mong maabot, ‘pag nakuha mo na ay magiging masaya at fulfilled ka. ‘Yun din ‘yung nagpa-realize sa akin na ‘wag mo nang i-push kung hindi talaga para sa ‘yo.

“‘Nu’ng ibinigay sa akin, nag-focus ako na, ‘Oh my gosh, para sa akin talaga ‘yung PBB. Thank you, Lord [na] ibinigay mo sa akin.’ ‘Yun pala, lesson ‘yon na, ‘Meron ka na e, [may] na-achieve ka na,’” mahaba niyang kuwento.

Sinabi ni Brenda Mage na umaasa siyang makakalimutan anv kanyang pagkakamali.

“Ang pangarap ko o wish ko lang talaga kay Lord is sana dumating sa oras na makalimutan ng mga haters ko ‘yung mga nangyari that time.

“Nagbabago naman na ako or iniiwasan ko na kahit paano,” sabi pa niya.

Kung matatandaan ay na-bash noon si Brenda pagkatapos niyang ma-involved sa isyu with his fellow housemates sa PBB gaya nina Alexa Ilacad, ganu’n din sa diumano’y sexual harassment kay housemate Eian Rances by asking him asking inappropriate questions. Joey Sarmiento