Pagsalubong ng Bagong Taon sa Pinas mapayapa- PNP

Pagsalubong ng Bagong Taon sa Pinas mapayapa- PNP

January 2, 2022 @ 10:36 AM 7 months ago


MANILA, Philippines- Sa kabuuan, naging mapayapa ang pagsalubong ng mga Pilipino sa Bagong Taon, na may pagbaba sa mga naiulat na insidente, ayon sa Philippine National Police (PNP) nitong Sabado.

“Overall, the situation remains generally peaceful throughout the country with no major untoward incidents that marred the traditional festive Christmas and New Year revelry,” pahayag ni PNP chief PGen. Dionardo Carlos.

Subalit sa kasalukuyan ay iniimbestigahan ng mga awtoridad ang apat na insidente ng umano’y indiscriminate firing sa Ilocos region, Calabarzon (Cavie, Laguna, Batangas, Rizal, at Quezon), Northern Mindanao, at Cordillera region sa pagsalubong ng Bagong Taon.

Sa kabila ng mga insidenteng ito, binigyang-diin ni Carlos ang pagbaba sa naiulat na bilang ng indiscriminate firing incidents nitong 2022 kumpara noong mga nakaraang taon.

“No stray-bullet deaths were reported during the entire holiday season until 6:00 a.m. today,” ani Carlos.

Patuloy niya, kasalukuyang ikinakasa ang reklamo laban sa mga naaresto ukol sa 17 illegal discharge of firearms incidents.

Samantala, 31 indibidwal ang naaresto para sa ilegal na pagbebenta at paggamit ng paputok, kung saan nakumpiska ng mga pulis ang mga paputok na nagkakahalaga ng P1.5 milyon.

“Generally, 2022 was greeted with caution backed with the necessary information on how to avoid accidents at this important occasion,” sabi ni Carlos.

Kasalukuyan namang nasa 88 ang mga nasugatan dahil sa paputok, ayon sa tala ng pulisya mula Disyembre 16 hanggang 30.

Nakikipag-ugnayan na umano ang PNP sa mga ospital at Department of Health upang kumpirmahin ang datos ng firecracker-related injuries. RNT/SA