Pagsama ng Cotabato City sa BARMM, pinagtibay ng SC

Pagsama ng Cotabato City sa BARMM, pinagtibay ng SC

January 12, 2023 @ 7:10 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Pinagtibay ng Supreme Court (SC) ang plebisito na isama ang Cotabato City sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Sa Supreme Court En Banc deliberation, kinatigan nito ang plebisito noong January 21, 2019 kung isasama sa BARMM ang Cotabato City.

Batay sa Certificate of Canvass of Votes, 38,682 katao ang bumuto pabor na isama ang Cotabato City habang 24,994 indibidwal ang boto kontra dito.

Dahil dito, idineklara ng Commission on Elections ang ratification ng Organic Law at ang pagdagdag sa naturang lungsod sa BARMM.

Gayunman, naghain ng Petition for Certiorari, Prohibition, and Mandamus, with Application for a Temporary Restraining Order and/or Writ of Preliminary Injunction sina Amil P. Sula, Gaspar S. Asi, at Hussein K. Malik, Sr. laban sa Comelec.

Kinuwestyon ng mga petitioner ang pagkapanalo na maisama sa Bangsamoro Autonomous Region
ang Cotabato City.

Sa desisyon, sinabi ng SC na sumunod lamang angCommission on Elections sa itinatakda ng Bangsamoro Organic Law sa pagdaraos ng plebiscite.

Binigyan-diin sa desisyon ang constitutional mandate ng Comelec na tiyakin na magagampanan ng taumbayan ang karapatan na bumoto.

Bigo din ang mga petitioners na patunayan na nagkaroon ng dayaan sa pagdaraos ng plebiscite.

“The mere allegation that the inclusion of Cotabato City in the newly-formed Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao was not the true intention of the voters of Cotabato City will not persuade this Court to overturn the actions of the Commission on Elections,” saad sa desisyon ng korte. Teresa Tavares