Pagsama ni Romualdez sa WEF dinepensahan ng kapwa mambabatas

Pagsama ni Romualdez sa WEF dinepensahan ng kapwa mambabatas

January 23, 2023 @ 7:04 PM 1 week ago


MANILA, Philippines – Suportado ng ilang mambabatas ang pagsama ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez kay Pangulong Bongbong Marcos sa World Economic Forum (WEF) sa Davos, Switzerland sa basehang walang masama sa ginawa nito.

Ayon sa mga mambabatas ang presensya ni Romualdez sa WEF ay pagpapakita ng kanyang kooperasyon sa mga adhikain ng Malacanang bilang sya ay kinatawan ng House of Representatves.

“There is nothing wrong for President Ferdinand Marcos Jr. to invite and for the Speaker to accept his invitation to join him in his visits. The President obviously wants him there so that a leader of Congress could immediately answer legislation-related questions,” pahayag ni Deputy Speaker at Pampanga Rep. Aurelio Gonzales.

“This tack has proven effective in addressing domestic concerns, as it calls for the collaboration of all sectors. The presence of the Speaker in presidential trips is proof of the cooperation and partnership of the executive and legislative branches of government,” nakasaad pa sa statement ni Gonzales.

Gayundin ang pahayag ni Surigao del Norte 2nd District Rep. Robert Ace Barbers, aniya, makatutulong pa nga ang presensya ni Romualdez sa WEF dahil pagpapakita ito na may solidong koordinasyon ang Executive at Legislative branch.

“It would be good for the Philippines if world leaders and businesspeople see a strongly-coordinated legislative and executive branches of government as it would mean easier way to invest and do business,” ani Barbers.

Una nang binabatikos ang pagdalo ni Romualdez sa WEF gayunpaman mismong si Pangulong Marcos ay ipinagtanggol din ito sa pagsasabing may mga legislative concerns sa forum na kayang sagutin ni Romualdez.

Maliban kay Romualdez kasama din sa Switzerland sina Senior Deputy Speaker Gloria Macapagal-Arroyo, Senator Mark Villar at si Ilocos Norte Rep Sandro Marcos. Gail Mendoza