Pagsama sa Indonesia, Malaysia sa travel ban inirekomenda ng IATF

Pagsama sa Indonesia, Malaysia sa travel ban inirekomenda ng IATF

July 13, 2021 @ 11:25 AM 1 year ago


MANILA, Philippines – Inirekomenda ng Inter- Agency Task Force (IATF) na mapasama ang maga bansang Indonesia at Malaysia sa travel restriction ng Pilipinas.

Ito ang kinumpirma ni Presidential spokesperson Harry Roque makaraang sabihin kamakailan ni Health Secretary Francisco Duque III na posibleng ikunsidera ng gobyerno ang naturang hakbang.

Subalit, ngayon aniya ay rekomendado na ito na sa harap ng paninigurong hindi makakalusot sa bansa ang Delta variant.

Aniya, naghihintay na lang ang Task Force sa magiging desisyon ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ukol sa bagay na ito.

 Ang makukumpirma ko lang po ay mayroon na pong rekomendasyon ang IATF, at hinihintay lang po natin ang desisyon ng ating Presidente.

Sa kasalukuyan ay nakataas ang travel ban sa mga travellers na manggagaling ng India, Pakistan, Nepal, Bangladesh, Sri Lanka, Oman at United Arab Emirates hanggang 15 ng Hulyo. Kris Jose