Pagsasabatas ng anti-child marriage law sa Pinas pinuri ng DSWD

Pagsasabatas ng anti-child marriage law sa Pinas pinuri ng DSWD

January 14, 2022 @ 7:50 PM 1 week ago


MANILA, Philippines- Kasunod ng pagsasabatas ng anti-child marriage law sa Pilipinas kamakailan, nagpasalamat ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) kay Pangulong Rodrigo Duterte, at sinabing malaki ang maitutulong nito sa pag-protekta sa mga bata sa bansa.

“Regardless of practices, traditions, and culture, the DWSD [believes] that the best interest of the child is the prime consideration. The DSWD also agreed that those who will be involved in the facilitation of child marriages should be appropriately punished,” ayon sa DSWD.

Sa ilalim ng bagong batas, pangungunahan ng DWSD ang implementasyon ng batas  at tutuon sa pagbuo ng mga programa na tutugon sa child marriage.

“The DSWD will also take an active role in raising awareness about the issue, as part of strengthening the Department’s advocacy to end any form of child abuse,” ayon sa ahensya.

Dagdag pa nito, inatasan itong makipagtulungan sa Council for the Welfare of Children (CWC) sa paglalabas ng mga alituntunin sa pagtatalaga ng malinaw na referral pathways na kinakailangan sa popularisasyon at lokalisasyon ng batas. RNT/SA