Pagsasabatas ng Bangsamoro Electoral Code oks sa Comelec

Pagsasabatas ng Bangsamoro Electoral Code oks sa Comelec

March 15, 2023 @ 9:39 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Suportado ng Commission on Elections (Comelec) at election watchdogs ang pagsasabatas ng Bangsamoro Electoral Code (BEC).

Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, naaprubahan ang BEC, na ipinasa ng Bangsamoro Pariament noong nakaraang linggo.

Samantala, ang National Movement for Free Elections (Namfrel) at Legal Network for Truthful Elections (Lente) ay bukas sa desisyon ng Bangsamoro Parliament dahil handa itong tanggapin ang posisyon mula sa ibang organisasyon.

Sa kanilang pahayag, sinabi ng Namfrel na kinikilala nila ang konsultasyon na isinagawa upang maisama ang Electoral Code sa lahat ng stakeholders.

Pinasalamatan naman ng Lente ang Bangsamoro parliament sa pagpayag na magsagawa ng ibat-ibang konsultasyon sa rehiyon at magbigay ng suhestiyon at rekomendasyon sa parliaments Committee on Rules at iba pang miyembro.

Sa 64 na affirmative votes, zero negative votes at zero abstention, ipinasa ng Bangsamoro Parliament ang code noong Marso 9.

Magbibigay ng structural, functional,procedural principles ng elections, referenda at recall proceedings ang BEC sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Kasabay nito, umaasa ang dalawang grupo na ang pag-apruba sa code ay makakatulong na matiyak ang tagumpay ng mga halalan sa Parliament ng Bangsamoro sa 2025.

Ang Namfrel at Lente ay naging bahagi ng mga botohan ng bansa bilang citizens arm ng hahalan sa bansa. Jocelyn Tabangcura-Domenden