Pagsasabatas ng DND-UP accord umarangkada na sa Kamara

Pagsasabatas ng DND-UP accord umarangkada na sa Kamara

June 3, 2021 @ 10:11 AM 2 years ago


Manila, Philippines – Inaprubahan na ng House Committee on Higher and Technical Education ang panukalang isabatas at maipasama sa University of the Philippines Charter ang  1989 University of the Philippines-Department National Defense Accord.

Matatandaan na winakasan kamakailan ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang kontrobersiyal na  1989 UP-DND accord, na nagbabawal sa mga sundalo at pulis na pumasok sa campus ng University of the Philippines(UP).

Naalarma ang ilang mambabatas sa ginawa ng DND kaya naman nagsulong ito ng panukala sa Kamara para gawin itong batas na hindi na maaring kanselahin ng DND

Ange substitute bill sa House Bills 8437, 8541 at 8545 ay inaprubahan ng komite sa kabila ng pagtutol ng DND.

Sa pagdinig ng komite, sinabi ni Atty. Ted Te, na kumatawan kay UP President Danilo Concepcion, na suportado nila ang panukala upang maisulong ang interes at proteksyon ng komunidad, mga guro at estudyante ng UP.

Gayunman sa panig ng Department of National DefenseDND, sinabi ni Atty. Norman Daanoy na hindi nila kinakatigan ang buong nilalaman ng panukala sa Kamara.

Giit ni Daanoy, ang UP-DND accord ay nakaka-apekto sa ilang prosesong nasa ilalim ng batas, partikular ang pag-iisyu ng warrants.

“DND is not supporting the entire bill and particularly opposed the inclusion of a provision, which states that law enforcement should coordinate with the UP administration first before implementing arrest or search warrants,” paliwanag nito.

Kinontra naman ito ni Deputy Speaker at Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez,aniya, walang paglabag sa Konstitusyon kung abisahan muna ng DND ang UP kung may mga iisyu itong Warrant of arrests sa UP na bahagi lamang mg notification procedure.

Sinabi ni Committee Chairman at Baguio Rep Mark Go na kung may pagtutol ang DND sa nasabing panukala sa oras na maisabatas ito ay iakyat nila ang isyu sa Korte Suprema.

Ikinalugod naman ni Kabataan PL Rep. Sarah Elago ang pagkaka-apruba ng komite sa substitute bill para sa institutionalization ng UP-DND accord, sa pamamagitan ng pag-amyenda sa UP charter.

Hindi lamang umano ito magpapatibay sa naturang kasunduan, ngunit magtitiyak ng “accountability” o pananagutan sa hanay ng pulisya at militar sa gitna ng mga isyu ng human rights violations at  impunity sa bansa. Gail Mendoza