Pagsasabatas ng Mandatory ROTC, pabibilisan sa Senado – Bato

Pagsasabatas ng Mandatory ROTC, pabibilisan sa Senado – Bato

December 19, 2022 @ 6:12 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Tiniyak ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa na pabibilisin ng Senado ang panukalang pagbabalik ng mandatory ROTC dahil suporta ang batas ng karanihan sa mambabatas.

Sa pahayag, sinabi ni Dela Rosa na magkakaroon ng mabilisang deliberasyon sa panukala sa pagbabalik ng sesyon ng Mataas na Kapulungan sa Enero 22, 2023.

“Mabilis ito, mabilisan na ito kasi lahat naman naga-agree ” ayon kay Dela Rosa.

Inihayag pa ni Dela Rosa, dating hepe ng pambansang pulisya na nagpatupad ng drug war sa ilalim ng Duterte administration, na pawang pet bill ng gobeyernong Marcos ang naturang panukala.

“Maraming nagsuporta [sa Senate], merong ayaw siguro mangilan-ngilan pero majority ang susuporta dito lalong lalo na this is a priority bill, pet bill ito ng Malacañang,” aniya.

Naunang nagpahayag ng pagtitiwala si Dela Rosa na maisasabatas ang panukalang mandatory ROTC sa unang bahagi ng 2023.

Sertipikado ni Pangulong Marcos ang House Bill No. 6687 bilang urgent bill ng administrasyon. Ernie Reyes