Pagsasabatas ng SIM Registration Act, proteksyon sa mga Pinoy – Romualdez

Pagsasabatas ng SIM Registration Act, proteksyon sa mga Pinoy – Romualdez

October 10, 2022 @ 2:42 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Dahil sa mabilis na pagsasabatas sa SIM Registration Act na nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. upang protektahan ang mga Pilipino laban sa mga scammers at iba pang kawatan gamit ang makabagong teknolohiya ay agad na nagpaabot ng pasasalamat ang liderato ng Malaking Kapulungan ng Kongreso sa Malakanyang.

“On behalf of members of the House of Representatives, we would like to convey our heartfelt gratitude to President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. for signing into law the SIM Registration Act, the very first bill signed into law by this administration,” banggit ni House Speaker Martin Romualdez.

Ang SIM Registration Act na unang panukala na naging ganap na batas sa ilalim ng administrasyong Marcos ay kikilalanin din bilang Republic Act (RA) No. 11934.

“This measure was approved in both the House and in the Senate, and President Marcos’ signature on this very important piece of legislation only signifies his administration’s recognition of the need to put in place measures that will protect Filipino consumers against cybercriminals and online scammers.”

Nanguna sa hanay ng mga mambabatas na sumaksi sa pagsasabatas ng SIM Registration Act sina Romualdez, House Majority Leader Mannix Dalipe, Minority Leader Marcelino Libanan, House senior Deputy Majority Leader Ferdinand Alexander “Sandro” Marcos, at Reps. Chino Almario, Toby Tiangco, Jude Acidre, Rex Gatchalian, Roman Romulo at Stella Luz Quimbo.

Ani Romualdez, ang SIM Registration Act ay paunang hakbang upang maprotektahan ang pribadong buhay ng mga Pinoy na ngayon ay nanganganib mula sa mga kawatan, manloloko, scammers gamit ang personal data ng mga cellular phone subscribers.

Ang SIM Registration Act na ibinase sa House Bill (HB) No. 14 at Senate Bill (SB) No. 1310, ay naglalaman na obligadong lahat ng ibinebentang SIM cards ay dapat naka-deactivate at ang sinumang gagamit nito ay dapat magparehistro sa Public Telecommunication Entity (PTE) bago ito gamitin.

Ang mga kasalukuyang SIM subscribers ay obligado ring iparehistro sa PTE ang gamit na SIM cards sa loob ng 180 araw mula ng maging epektibo ang batas.

“Failure to register the SIM within the prescribed period will result in automatic deactivation and may only be reactivated after it is registered in compliance with the requirements of the law,” ayon pa rin sa probisyon ng batas.

Kabilang sa mga sumulat ng panukalang batas na ito sina Romualdez, Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos, Tingog Partylist Reps. Yedda Marie K. Romualdez at Jude Acidre.

Samantala binigyang diin naman ni Dalipe na ang bagong batas ay magbibigay ng seguridad sa publiko laban sa mga scammers at laban sa mga kriminal maging sa terorismo.

“This law will surely provide Filipinos a greater sense of security against scammers, unwanted phone solicitations and other criminal activities including terrorism. This law will also help the government ensure a responsible use of the mobile phone technology,” giit pa ni Dalipe. Meliza Maluntag