Pagsasabatas sa motor-for-hire umarangkada sa Kamara

Pagsasabatas sa motor-for-hire umarangkada sa Kamara

January 26, 2022 @ 11:44 AM 8 months ago


MANILA, Philippines – Lusot na sa ikalawang pagbasa sa House of Representatives ang House Bill 10571 o panukalang batas para payagan at i-regulate ang  motorcycles-for-hire bilang common carrier sa pagtransport ng pasahero, goods at iba pang serbisyo.

Sa ilalim ng panukala ay irerehistro ang motorcycles-for-hire sa Transportation Office (LTO) at ang  Department of Transportation (DOTr) ang siyang magtatakda ng standards at specifications ng motorsiklo na syang papayagan na mag operate bilang public utility vehicles.

Ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang siyang mag-iisyu ng prangkisa para sa motorcycles-for-hire sa metropolitan at urban areas gayundin ang magtatakda kung ilan motorsiklo lng ang papayagan sa bawat ruta ayon sa ipapasanag  route rationalization plan issued ng DOTr.

Ang LTFRB din ang siyang magtatakda ng pasahe at iba pang transportation fees para sa  motorcycle-for-hire services.

Nabatid na ang operasyon ng  motorcycles-for-hire ay sa pamamagitan ng digital booking platforms o sa ilalagay na mga terminals. Gail Mendoza